"Alex!" malakas na sigaw ko nang makita ko siyang palabas ng airport. "Alex!" tumingkayad ako at kumaway sa kanya. "I am here!" Nakita ko siyang ngumiti at agad na lumapit sa amin. Ang ganda ng pagkakangiti niya at may hawak na throphy. "We won, Cam!" nanlaki ang mga mata ko at niyakap siya ng mahigpit. "We won!" Mangiyak ngiyak ako dahil sa kasiyahan. Kasiyahan kasi nanalo sila at kasiyahan dahil nakita ko siyang muli. "We know that you can make it, Anak!" niyakap siya ni Tita Bea. "I am so proud of you!" "Thanks, Mom," humalik siya sa pisngi ni Mommy. "Hi Ninang." "We are all so proud of you, hindi mo lang alam," ngiting ngiti si Mommy. Ako din, hindi matanggal ang ngiti ko. Kung proud sila, mas lalo na ako. "Sina Daddy po at Tito Troy?" "May mga meetings,

