"Ikaw na ang mag-tanong," naririnig kong sabi ni May kay Ross habang nagtatali ako ng sintas ng sapatos ko. "Ikaw na kaya! Ikaw itong atat, eh!" tumayo ako at inilagay ang mga gamit ko sa locker. "Hi guys," napatingin ako kay Prox na maganda ang ngiti. "Hi Mason," bati niya habang binubuksan ang dalang bag. "Bakit late ka na?" tanong ni May sa kanya. "Louise is not feeling well," hindi ko maiwasang mag-alala nang marinig ko iyon. "Inihatid ko pa sa bahay nila. Nag-paalam naman ako kay Coach. And besides, I am not that late!" natatawang inihagis niya ang tuwalya kay May. He removed his shirt and hang it beside his locker. Sa aming magkakaibigan, Prox has a well built body. "Bakit ikaw ang nag-hatid? Di ba si Mason ang boyfriend?" hindi ako nagsalita lalo na nang tu

