Chapter 3

1743 Words
“Alam kong buhay ko ang topic natin pero bago ako magsimula, anong name mo?” tanong ko sa kaharap ko.   “Irma,” matipid niyang sagot sa akin.   Ngumiti ako at nilaro-laro ang green apple na nakapatong sa counter na inilabas ko kani-kanina lang.   “Irma, ang lakas ng pakiramdam ko sinusumpa mo ang buhay mo ngayon. Buntis ka, halatang single mother at mukhang may sakit ka pa. Mukhang sa buong panahon ng pagbubuntis mo ay puro hinanakit ang nasa puso mo,” seryoso kong sabi sa kanya.   Hindi siya sumagot sa akin, bagkos ay nakatitig na nakatitig sa aking mga mata. Na ang isa ay wala nang kulay at ang isa naman ay kasing berde nitong mansanas na hawak-hawak ko ngayon.   Nakatungo ako bago ako nagpatuloy, “Bigla ko na lang naisip na sana dati meron ding isang tao na kinausap ako bago gawin ang ilang mga bagay na hindi ko man lang inalam kung ano ang magiging kahihinatnan sa huli,”   Narining ko ang upuan niya na umatras at akmang tatayo siya pero hinawakan ko agad ang kanyang kamay bago tumingala sa kanyang galit na mukha.   “Verna wag ka namang umalis. Kasi kailangan kong masabi sa iyo kung bakit solo ako ngayon sa buhay ko. Nakikita ko kasi sa iyo ang sarili ko na nabubuhay pa rin sa nakaraan na hindi mo matakas-takasan. Baka naman sakaling madamayan mo ako. Isang babae na minsan nang nakulong sa pangyayaring hindi makalimutan,” pagmamakaawa ko sa kanya habang napatak ang luha ko mula sa aking berdeng mata.   Hindi siya kumilos at naramdaman ko na humigpit ang kapit niya sa aking kamay.   Tiningnan ko si Verna at pilit akong ngumiti, “Nakarating na ako kung saan, saan. Mula sa I.C.U ng hospital, sa airport, sa lababo ng isang restaurant, sa isang karinderya, muntik pang maanod ng baha at sa Ireland,” nakita ko na napataas ang kilay niya at napatawa ako ng mahina, “Grabe noh? Pero pakiramdam ko mas malayo pa ang narating mo sa akin Irma.”   Hindi siya sumagot pero alam kong oo ang kanyang sasabihin kung sakali.   “Hinawakan ko ang kamay ng isang lalaking naka hoody nung high school ako at sabay kaming humiga sa ilalim ng mga bituin at pinanood ang pagbagsak ng mga ito. Niloko ko din siya at inisip ko na hindi kami bagay dahil malapit na akong mamatay noon kaya pinakawalan ko siya,” napatawa ako ulit at tumingala sa kisame at umiling, “Pero nabuhay pa din ako. Pag gising ko may isa na akong berdeng mata dito sa mata ko at bulag na ang kabila. Akala ko bago ako gumising ay katapusan ko na pero hindi pa pala.”   Tiningnan ko ulit ang mga mata ni Irma at naramdaman ko na nakikinig na siya sa akin.   Nagpatuloy ako sa pagkwekwento. Malamang dahil ni minsan hindi ko pa ito naibahagi sa kahit kanino kaya derederetso lang ako sa pagsasalita. Sa wakas nakahanap din ako ng makikinig kahit sapilitan ng mapait kong pinagdaanan.   “Pinilit kong magiba. Nagtrabaho ako, nagkanegosyo nakatagpo ng best friend na talaga namang napakabait. Perpekto na sana pero sa dahil mabait ako ay pinilit ko siyang makauwi sa kanila kasi hindi ko katulad, meron siyang pamilya na naghihintay sa kanya noon,” pumikit ako at naalala ko ulit na parang kahapon lang ang nakaraan, “Nakapunta ako sa Ireland dahil ikakasal pala siya at siyempre ako ang maid of honor s***h singer. Ang saya-saya ko talaga. Pero gumuho ang buhay ko ng malaman ko na ikakasal pala ang matalik kong kaibigang sa lalaking pinakawalan ko noon at gusto kong balikan,” walang emosyong kong kwento sa babaeng ngayon ko lang nakilala pero heto ibinubuhos ko ang istorya ko sa kanya na parang wala lang.   Ikiniling ko ang ulo ko at pinagmasdan ng mabuti si Irma.   Bakas sa mukha niya ang kagandahan na nasalanta ng pagkakataon at kapabayaan.   “Kaparehong-kapareho siguro ng ekspresyon  mo ngayon ang mukha ko noong umuwi ako sa Pilipinas bago pa man matapos ang kasal nilang dalawa at uminom ako ng alak, isang bote ng slimming tea, moth balls, zonrox, mothballs at dorarat.”   Tumaas ang kilay ni Irma at napatawa naman ako ng malakas.   “Oo man. Sadly, hindi ako namatay. Buhay pa din ako. Dapat ata hindi dorarat kundi baygon ang tinira ko Irma. May sa ipis ata ako!”   Napatawa ng mahina si Irma at tumungo bigla na para bang nakakarelate siya sa sinabi ko.   “Verna, tumingin ka sa akin,” pakiusap ko sa babaeng ngayon ay parang hindi na alam ang gagawin, “Alam mo ba na inimbitahan pa ako ng dalawa sa binyag ng anak nila?”   “Anong ginawa mo?” mahina niyang tanong sa akin.   Napailing ako bago sumagot, “Siyempre pumunta ako,” napangiti ako sa reaksyon niya pero nagpatuloy ako, “Isinakripisyo ko na ang puso ko para sa kalayaan ko. Pinakawalan ko na ang nararamdaman ko para sa kanilang dalawa at humiling na lang na sana ay maging maganda ang buhay nila bago umalis.”   “After nun tsaka ko nalaman ung paraiso pala na narating ko ay isang malaking kasinungalingan lamang. Yung paraiso Irma, gawa-gawa lang yan ng mga tulad natin na nag-iilusyon ng perpektong pangyayari at tao na naaayon sa kagustuhan natin. Hanggang ngayon siguro kahit malaya na ako at magaan ang pakiramdam hindi ko pa rin ata nararating ang hinahanap kong ending,” mahina kong sabi sabay hawak sa green apple na kanina ko pa tinititigan.   Tiningnan ko si Irma at itinuro ang malaki at bilog na bilog na tiyan nito, “Alam mo kung ano ang totoo Irma? Iyang bata sa sinapupunan mo. Ginusto o hindi mo man ang batang iyan, iyan ang proweba na may kwenta ka pa sa mundong ito. Kung hindi naging maganda ang buhay mo, bakit hindi mo tulungang wag magaya sa iyo ang batang iyan? Ano ang isasakripisyo mo para maging malaya ka? Iyang buhay mo at buhay ng anak mo?” matigas at seryoso kong tanong sa kanya.   Hindi makasagot ang babae sa harap ko na ngayon ay derederetso na ang tahimik na paghikbi at pagiyak habang mahigpit na hawak ang aking kamay.   “Minsan nga naiiyak na lang ako sa gabi. Naiisip ko, what if pinaglaban ko siya, inagaw ko siya sa best friend ko, baka ako ngayon ay may anak na pakiramdam ko ay pupuno sa lintik na butas na ito sa puso ko ngayon. Pero hindi eh, mabait si gaga. And for all I know you also knew this, no good deeds are left unpunished Irma,” sambit ko sa kanya.   Inabot ko ang hupyak na mukha ni Irma na nakatungo at inangat ko ito para magkapantay ang mukha namin. Tuloy pa din ang pag-iyak niya at napatak ang kanyang mga luha sa kanyang tiyan na hinahaplos niya ng buong pagmamahal.   “Irma, naging malaya nga ako kapali ng puso ko. Wag mo na ako gayahin. Ikaw ang tipo ng taong kung ano ang iniisip kong nakakakulong sa iyo ay siyang makakapagpalaya sa iyo sa bandang huli,” masaya kong sabi sabay tapik sa bilog niyang tiyan.   Suddenly, she laughed. Yung tawa na parang ang gaan-gaan sa pandinig. Ramdam ko na matagal na siyang hindi nakakatawa ng ganun.   “I guess hindi ko na itutuloy ang paghahanap kay Doctor Lagdameo,” nakangiti niyang sabi sa akin, “Salamat ng madami Tabitha. Utang ko sa iyo ang buhay namin,” taos puso niyang pasasalamat sa akin.   Umiling ako at itinuro ko ang dibdib niya, “Wag ako ang pasalamatan mo kundi ang puso mo na mukhang kahit papano ay bukas pa din para makinig sa isang istorya ng mataba.”   “Salamat pa din. Hala siya, nakaka-abala na ako sa iyo. Aalis na ako...”   Hindi ko siya binitawan at umiling, “Actually mukhang wala ka namang ibang gagawin. Dito ka muna, kwentuhan mo naman ako ng buhay mo. Hindi naman fair na ako lang ang nag-drama dito,” pabirong maktol ko dito.   “Sobrang haba ng istorya ko Tabitha kulang ang isang araw,” natatawang sagot ni Irma sa akin.   “Then I think now is the best time to start!” masaya kong sabi sa kanya sabay binuhay ko ang t.v, “Nood ka muna t.v ha? Ibababa ko lang ang blinds at itetext ko ang mga tauhan ko na mag three days paid leave muna bilang reward. Actually kakagaling lang namin sa isang malaking convention at kami ang caterer kaya tiba-tiba ako at pagod na pagod sila. Kaya perfect time ito para magpahinga!”   Hindi na ito nakasagot ng mabilis akong tumayo at binuhay ang t.v bago mabilis na ibinaba ang mga blinds ng restoderia ko at tinext ang aking mga butihing tauhan na mag paid leave muna.   Pagbalik ko kay Irma ay nakatingin ito sa wall tv namin at saktong labas ng isang commercial...   “Ang Semi-Autonomous Island of Versalia ay isa sa mga dinarayong isla dito sa Pilipinas malapit sa Palawan. Kilala ito hindi lang dito sa atin kundi pati na rin sa ibang bansa dahil sa white sand beaches nito, hot diving spots at mga mamahaling hotel at resorts. Pero hindi lang ito pang mayayaman mga kababayan. Meron din silang mga amusement parks at iba’t ibang outdoor activities na tyak namang afford na afford ng masang Pilipino! Bukod sa malaking zoo at isang artificial lake na kung saan pwedeng-pwedeng mag-bonding ang pamilya ay meron din silang magagandang shops sa kanilang shopping district kung saan lahat ng latest na mga bilihin mula damit hanggang sa mga gadgets directly mula sa ibang bansa ay dito mabibili! Para naman sa mga high-end customers, meron ding golf course, casino at exclusive amenities para sa mga kababayan natin na gusto ng privacy...”   “Wow. Pangarap kong makatapak diyan Irma bago man lang ako mamatay kaya todo ako sa pagpapayaman ngayon dito sa kainan ko. Sabi nila it’s the Island of Dreams daw even after the war,” napatingin ako kay Irma na mukhang malayo na naman ang iniisip habang nakatitig pa rin sa t.v kung saan pinapakita ang iba’t ibang parte ng sikat na school na V.U, “Don’t you think it’s true, Irma?”   Pumikit siya at huminga ng malalim bago tumingin sa akin at pakiramdam ko ay bumata siya ng halos isang dekada sa malungkot na ngiti na ibinigay niya sa akin.   “It was Tabitha... It really was...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD