(Afiah) Nang nahimasmasan na ako, agad akong lumabas sa aking opisina. Bising- bisi ang mga empleyado dahil medyo madami- dami ang mga customer. Napatingin ako sa entrance ng shop nang napansin ko ang pagpasok ng dalawang tao. Pareho kaming natigil ng mga pumasok. Nakipagtitigan ako sa kanila. Sadyang napakaliit ng mundo, dahil unting- unti ko din palang makakasalamuha yong mga tao na ayaw ko na sanang makita. "Afiah?" Halos hindi makapaniwalang sambit ng ginang, sabay na pasada ng tingin sa akin. Can't believe that after 6 years, muli ko din pala syang makikita. Ngayon nasa harapan ko ang mga magulang ni Seighfred na parehong malamig ang pakikitungo sa akin noon na parang hindi ako asawa ng kanilang anak. Napaurong ako sandali nang ngumiti pa talaga sila sa akin. ------ Isang

