"Puwede pa kayang magka-baby sina Lolo at Lola?" Napaubo ako. Napailing at napahilot ng aking noo. Minsan nakaka-stress din ang mga tanungan ng isang curious at matalinong bata. Nagbingi-bingihan ako. Nandito kami ngayon sa garden na mag-iina. Maaga kaming gumising dahil maaga si Ardent. Nagising ang kambal at naghahabol sila sa kanilang daddy. "Mommy..." "Kumain ka na muna, Anak." Nakanguso siyang sumulyap sa kaniyang ipad na nasa gilid. Gustong-gusto niya itong hawakan ngunit alam niyang bawal pa dahil kumakain kami. Binilisan niyang kumain. Pagkatapos naman naming kumain dumating si Ally. Inaantok pa ito. Nahihirapan na daw siyang matulog dahil mabigat na ang kaniyang tiyan. "Good morning," inaantok niyang bati. Hinalikan niya ang kambal bago naupo. "Goodmorning, Tita," ba

