Nagpaalam na maliligo muna si Kian kaya naligo na din muna si Precia. Plano niyang magbasa muna ng ilang pages bago matulog. Gusto din niyang maka-text pa ang binata kahit isang oras lang. Tingin niya ay hindi pa naman ito agad matutulog. Pagkabihis ay nagmamadali niyang pinulot ang kaniyang phone, upang basahin ang message ng binata. from Kian: Katatapos ko lang maligo. What are you doing? That was sent ten minutes ago. from Kian: Okay. Goodnight, Precia. Sent five minutes ago. Dismayado si Precia. Gusto pa niyang maka-text ang binata, e. Kaso tulog na to. to Kian: Sorry, naligo ako. to Kian: Goodnight, Kian. Nag-beep ang kaniyang phone kung kailan ibababa na sana niya ito sa bedside table. from Kian: I'm still awake, Precia. I know you're tired. Sleep well.

