Tanghali ang alis namin papuntang airport. Uuwi kami ng Pinas kasama ang mga bata para sa panganganak ni Yunnie. Maaga kami ng two days sa kaniyang due date. Nakabihis na ang mga bata. Umiiyak naman si Germaine dahil gusto niya sanang sumama. Maiiwan sila dito. Hindi nabigyan ng go signal si Ally dahil nag-spotting siya nang nakaraan. "Don't worry, Germaine. Babalik din naman kami after a week..." pag-alo sa kaniya ni Precia. "And your Mommy Ally needs you." "Your little brother need you." Nagpunas ng luha si Germaine at tumango-tango. Lumapit ito kay Ally. Niyakap niya ito at hinalikan ang kaniyang tiyan. "Huwag masyadong maggagalaw muna," bilin ko kay Ally. "Yes." Tumingin ako kay Mama. Hindi pa siya makakasama sa amin pauwi dahil na din sa ilang problema. Pero kapag natap

