Ilang araw nalang ay kasal ko na. Parang kailan lang noong inaya akong magpakasal ni Jacob pero tinanggihan ko siya sa kadahilanang hindi pa ako handa sa isang panghabangbuhay na commitment. Pero ito ako ngayon magpapakasal sa taong di ko man lang gusto. Naging abala ako sa pag aasikaso sa kasal dahil yun ang gusto ni Theon. Wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. Para na nga niya akong puppet. Wala na rin akong naririnig mula kay Jacob. I missed him pero hanggang ngayon bumabalik pa din sa akin ang banta niya. "Are you okay?" akbay sa akin ni Theon. Hindi ko naisip na ganito pala siya ka sweet. Sa maikling panahon na nagkakilala kami pakiramdam ko ay sanay na ako sa presensya niya. At yun ang hindi ko maipaliwanag. Lumingon ako sa kanya at tumango. "Yes." sagot ko. Hinarap niya a

