Pagdating sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Gusto ko munang mapag isa kahit ngayon lang. Gusto kong makapag isip ng mga bagay bagay. Bakit napunta ako sa ganito ka komplikadong sitwasyon.
Siguro iisipin ng mga tao na nahihibang na ako dahil nagpadala ako sa banta sa akin ni Theon na sisirain niya ang buhay ni Jacob pag hindi ako pumayag na magpakasal sa kanya. Mahal ko si Jacob kaya gagawin ko ang lahat wag lang masira ang buhay at pangarap niya. Kahit ang kapalit pa nito ay pagpapakasal sa isang stranger. Isang malaking kalokohan lang ang lahat pero napunta sa isang napakalaking problema.
Paano ko sasabihin sa parents ko ikakasal na ako pero hindi sa boyfriend ko? Huminga ako ng malalim at humiga sa kama. Nakatitig lang ako sa kisame habang inaalala ang dahilan ng lahat. Ang araw na sana ay hindi ko nalang ginawa.
It was a typical saturday afternoon. Dalawang araw nang wala sa bansa ang boyfriend kong si Jacob dahil may mahalagang business trip sa Malaysia. Andito lang ako sa shop para alamin ang mga kailangan at kulang na mga paninda. May sarili akong manager pero gusto ko pa din na alamin mismo ang mga bagay-bagay.
"Hi, Couz." napaangat ako ng tingin mula sa ginagawa ko sa computer ko ng pumasok ang pinsan kong si Lilac. Ano naman kaya ang kailangan ng dance intructor na yan dito?
"Napadalaw ka. Wala ka bang klase?." tumayo ako para humalik sa kanya. Umupo din siya sa couch ng opisina. Naka fitted jeans siya at crop top kung saan kitang kita ang maputi at flat nitong tiyan. Sa aming lahat siya ang pinaka conscious pagdating sa healthy diet. Hindi siya mapili sa pagkain pero mostly ang kinakain niyan ay puro d**o. Kaya ang ganda mg kutis at katawan.
"Nope. It's saturday remember. Inutusan ako ni Kuya Blue na sunduin ka para gumimik." aniya habang gumagalaw galaw ang kilay. Napangiwi ako. Gimik na naman?
"Busy ako." maikling sagot ko sa kanya ay tumayo para ipagtimpla siya ng maiinom. Narinig ko siyang umungol at naglakad papunta sa pastry kung saan gumagawa ako ng kape naming dalawa.
"Lagi ka nalang busy. Simula ng nagkaboyfriend ka wala ka nang oras para sa amin. Nakakatampo ka na, Alejandria." ungot nito habang nakanguso. Inismiran ko siya. Hindi naman kasi na nawawalan na ako ng oras sa lumalabas pa din naman ako pero iba na ngayon may boyfriend na ako na dapat bigyan din ng oras.
"Grabe ka. Sumama ako last week. Ikaw yung wala." sabi ko sa kanya at binigay ang caffé macchiato. Tinanggap niya ito at bumalik sa inupuan niya kanina. Inilapag niya ang kape niya at humarap sa akin.
"Busy din ako that time but this time I am free. Sige na sumama ka nna tutal wala naman yung boyfriend mo. Minsan lang naman 'to. Promise, after this di na kita kukulitin." nakangising sabi niya habang pinagsalikop ang dalawang palad.
"Please?" kumikislap ang mata niya na punong puno ng pag asa. Para siyang batang nag aantay mabigyan ng cotton candy. Nawala tuloy ang poised niya ssa ginagawa niya.
Huminga ako ng malalim. Ano pa nga ba ang magagawa ko, kung tutuusin sa aming mag pipinsan ay siya itong di masyadong makulit pagdating sa akin. Ano kaya ang kapalit ng ginawa niyang ito. I know Lilac hindi basta basta yan papayag utusan ng walang kapalit.
"Fine."
Bigla niya nalang akong niyakap at pinugppg ng halik. "Oh my God. Thank you." bahagya ko siyang inilayo sa akin. Umiling iling nalang ako. Sa kabilang ng pagiging instructor niya ay di pa rin nawawala ang ugaling bubbly niya.
"Tell me, anong kapalit ng pagpayag ko." tanong ko. Ngumisi ito ng nakaloloko pagkatapos simsimin ang kape.
"Iphone6 plus." I rolled my eyes. "Sabi kasi ni Kuya pagnapapayag daw kita ngayon, bibilhan niya ako ng Iphone6 plus fresh from State." ngumisi ulit ito na para bang tuwang tuwa talaga sa mga nangyayari.
"So paano, Let's go!" bulalas nito pagkatapos ubusin ng kape. Tiningnan ko ang oras sa wall clock at napasimangot ako ng makita kong 4 pa lang ng hapon. Masyado naman atang maaga para gumimik.
"Ang aga pa kaya. Pupunta nalang ako. Saan ba tayo kay Ashton ulit?" tanong ko. Tumayo na ito at tumango. Inayos niya ang buhok niyang hanggang batok at yung top niya.
"I don't know. So, I'll go ahead. Kailangan ko panh singilin si Kuya ng bagong phone ko. Basta wag mo kaming indyanin. Kung hindi kalimutan kong magpinsan tayo." pagbabanta niyo. I rolled my eyes upward.
Napakasigurista talaga ng babaeng 'to.
"Anong akala mo sa akin? Oo na. Kailangan ko pang umuwi ng bahay para magbihis. Alis na disturbo ka sa ginagawa ko." sabi ko sa kanya nang makarating kami sa pintuan ng opisina ko. Ngumisi na naman siya at nag hand sign pa ng "I'll be watching you."
"Oo nga pala. The best pa din ang macchiato mo." sigaw nito bago sinara ang pintuan. Napatingin pa sa kanya ang mga empleyado ko. Ang kulit talaga.
Bumalik na ako sa table ko ng bumakas na naman ang pintuan. "Oh, may nakalimutan ka." inaangat ko ang tingin ko pero ang nakasimangot na mukha ni Hyacinth ang sumalubong sa akin. Pinsan ko din, isang Chef.
"Anong mukha yan?" tanong ko. Umupo ito sa couch na inupuan kanina ni Lilac at bigla nalang humagulhol. Bigla akong napatayo at lumapit sa kanya. "Hey, anong nangyari?" tanong ko ulit habang hinihimas ang likod niya. Mas lalong lumakas ang hagulhol nito.
"Can you please calm down first?" inabutan ko siya ng tissue. Agad niya naman itong tinanggap at suminghal ng pagkalakas lakas. Napangiwi ako. Ano ba naman klaseng pamilya meron ako?
"What happened?" humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Namumula ang kanyang ilong. Sa lahat naman ng pinsan ko siya ang pinakamalapit sa akin. Siguro dahil siya ang pinakabata sa lahat.
She's 20 years old pero daig pa siya ng 15 years old sa maturity.
"Hindi nagustuhan ng crush ko yung niluto kong cake para sa kanya." at humagulhol na naman. Parang gusto kong matawa ng malakas dahil sa totoo lang ngayon ko lang siya nakitaang sobrang nasaktan ng ganito. NBSB si Hyacinth at ngayon lang ata ito nagkagusto ng ganito.
"Sino bang crush mo?" tanong ko sa kanya. Bigla itong sumimangot.
"You don't have to know ate Alejandria baka pagtawanan mo lang ako. Akala ko pa naman kakampi kita." bigla itong tumalikod sa akin. Nagpipigil ako ng tawa. Ang cute talaga ng batang ito.
"Sige. Hindi ako tatawa at paano kita matulongan sa problema mo kung di ko alam kung sino ito?"sabi ko sa kanya. Humugot muna ito ng isang malalim na buntong hininga at humarap sa akin. Tinaas ko ang kilay ko habang nag aantay sa sasabihin nito.
"Si Aven." tapos yumuko siya. I know Aven, he's a chef also pero mas mataas ang experience niya at position kesa kay Hyacinth. Chief Chef ata siya ni Hyacinth kung di ako nagkakamali.
"Wala ka bang sasabihin ate Alejandria? Wala ka bang words of wisdom ngayon para pagaanin ang loob ko? Nasasaktan ako oh. Bakit ang tahimik mo?" sunod-sunod na tanong nito habang nakaismid.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Pano mo naman nasasabing ayaw niya ng cake na ginawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Kasi sabi niya yung kay Therese daw yung top sa lahat ng sample cake para sa bagong product ng Cafè.
Tapos yung akin di man lang naappreciate. Kung alam niya lang na siya aang inspiration ko habang ginagawa ko yun. Masakit kasi di man lang tinikman muna ang gawa ko bago husgahan kung sino yung panalo." nalaglag ang panga ko sa narinig. Unfair nga naman yun.
"Nasaan na yung Aven na yun? Gusto mo bang susugurin ko siya para sayo? Ang unfair niya naman ata." bulalas ko. Bigla nalang itong tumawa ng malakas kaya napatingin ako sa kanya.
"Wag na ate. Tanggap ko na namang di niya magustuhan ang cake ko kahit anong gawin ko. Ayos na ako.
Nailabas ko na ang sama ng loob ko. Siguro ay magmomove on nalang ako sa kanya. Madami pa naman diyang iba eh. Dapat ang tulad ni Kuya Jacob ang hahanapin ko. Perfect ideal boyfriend." mahinang utas nito. Ngumiti nalang ako bigla sa kanya. Niyakap ko siya.
"That's my girl. Smile ka na. Yaan mo na kung ayaw niya sa cake mo. Lagi mong tatandaan na ako yung number one fan mo." niyakap niya rin ako ng mahigpit.
"You're the best din ate Alejandria. Anyways, May gimik daw mamaya. Sasama ako." masayang balita nito.
"Me too."
Pagkaalis ni Hyacinth ay nag ayos na din ako ng gamit para makauwi na din. Malapit na din mag six ng umalis siya sa shop at nakauwi na ang mga empleyado.
Pagdating sa bahay ay naligo ako at nag ayos. Isang long sleeve body-con dress at pumps ang sinuot ko.
Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Nang makontento na ako sa sarili kong itsura ay lumabas na din ako para magpaalam sa Daddy ko.
Mag aalas 9 na nang makarating ako sa Bar ni Ashton. Medyo madami na ding mga tao kahit di pa ganun kalalim ang gabi. Nagtext sa akin si Lilac na nasa VIP room na daw sila. Nandoon na daw lahat ng barkada at mga pinsan namin.
Dahil kilala na naman ako ng guard kaya madali lang para sa akin ang makapasok. May isang madilim na daan papunta sa VIP area kung saan di mo na kailangang makidaan sa maraming tao. Pero rinig na rinig ko pa din ang tugtog na nanggaling sa dancefloor papunta sa VIP area.
Pagbukas ko palang ng pintuan ay sinalubong na ako ng mga maingay, magulo at mabangong kwarto. Unlike sa public dancefloor ay mabango ang VIP room. Maarte ang mga pinsan ko. They smoke, they drink pero nag uumapaw pa din ang bango ang buong kwarto. Parang iisang amoy na nga ang lahat.
"OMG!! YOU CAME!!" hiyaw ni Lilac at agad akong hinalikan sa pisngi. Ginala ko ang tingin sa buong kwarto may konting neon lights na gumagalaw at nakaupo ang mga babae sa couch habang ang mga pinsan kong mga lalaki ay naglalaro ng 9 balls and beer pong.
Napatingin silang lahat sa akin at tinanguan ako. Lumapit na din sa akin si Hyacinth para humalik. "Buti naman at nakapunta ka." napalingon ako babaeng nagsalita sa likod ko. Ngumiti ako sa kanya. Yinakap niya ako. "I missed you." bulong nito. Siya si Rose pinsan ko din isang business woman..A serious one and a little bit man-hater.
"Nakakahiya naman kasi, lagi nalang akong wala. I miss you too." sabi ko at kumalas mula sa mga yakap niya.
Binati ko ang iilang kakilala at kaibigan namin. Ayokong lumapit sa mga pinsan kong lalaki dahil abala sila sa laro nila. Maya-maya pa ay may biglang yumakap mula sa likod ko. Nilingon ko siya at isang nakangising si Trey ang nakita ko. "Hello there, my beautiful cousin." bati niya at hinalikan ako sa pisngi. Sumimangot ako.
"Don't tell me galing kang CR tapos yumakap ka sa akin." singhal ko sa kanya at lumayo ng kaunti. Biglang lumaki ang ngisi nito.
"Hihi. Hindi naman ako nagbawas eh. May pinanood lang." ngisi nito. Biglang nanlaki ang mata ko at napangiwi.
"Nanood ka na naman ng p**n Trey? Yuck. Tigang." hiyaw ni Seven habang hawak ang pool stick at papalapit sa kinauupuan ko. Humalik ito sa akin. "Glad you came." Ngumiti ako sa kanya bilang sagot.
"Pakyu ka, Seven." at lumipad sa ere ang middle finger nito at pumunta sa lugar lung saan may mga sexy'ng babaeng naglalaro ng beer pong. Humalakhak lang si Seven at tumabi sa akin.
May nilapag silang inumin sa harapan ko. "Let's play games." biglang suhestyon ni Lilac at kinuha ang isang shot ng tequila at tinungga.
"What game?" tanong ni Olive, bumaling ako sa kanya at nakipagbeso. Olive is one of my cousin also, she's a writer, a blogger and a photographer. Hindi masyadong nakakausap pero bawat lumalabas sa bibig niya parang bomba. Mga pasabog.
"The usual. Ang unang malasing parusahan. At ang parusa ay yung tulad ng dati. Victim Trip." sagot ni Lilac. No way. Not again. Alam na alam nilang ako ang may pinakamahinang alcohol tolerance. Mabilis akong malasing at nagawa na nila dati ang larong yan. May biniktima kami dating inosenteng tao.
All you have to do is to act in front of him. We will test a man kung babaero ba siya o hindi. Magpapanggap kaming nabuntisan niya kami at pagkumagat meaning he's guilty. Pero pag hindi he's loyal. Wala nama kaming makukuha dito, just pure fun.
"Out ako diyan." biglang sabi ko at ininom ang isang cocktail na inorder ko. Sumimangot silang lahat habang nakatingin sa akin.
"Walang exemption. Lahat kasali. Wag ka ngang KJ, Alejandria." komento ni Rose. Bigla akong sumimangot.
"Eh alam niyo kung gaano ako kadaling malasi-"
Tinaas ni Lilac ang palad nito. "No more complaint. You're joining and that's final." aniya. Nasiupuan ang kaming lahat na magpipinsang babae. Hindi kasali ang mga lalaki dahil immune nang mga yan sa inuman. Hindi yan tinatablan ng lasing sa tatlong shots lang.
Si Hyacinth, Ako, Olive, Rose at Lilac. Nakapalibot kaming lima sa isang table habang nasa harapan namin ang ilang bote ng mga black label, jack daniels, bacardi at beer. Napangiwi ako sa sarili.
Nagsimula nang magtagay si Lilac. Mula sa kanya palibot. Nang dumating sa akin at tinikman ko ay parang gusto kong maduwal. Ang pait at init sa lalamunan. Hindi talaga ako sanay sa ganitong inuman. Noon paman.
Kinabukasan ay parang binibiyak ang ulo ko. f**k Hangover. Hindi ako bumangon pero sunod sunod ang text sa akin mg mga pinsan kong talo ako sa laro. And I have to do the order.
Sinamahan nila ako sa shop kung saan makikita ko ang guy na bibiktimahin ko. "Have you seen that guy?" turo ni Rose sa nag iisang lalaking nakaupo sa open area ng coffee shop kung saan parang may ginagawa sa laptop nito.
Tumango ako. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin. Pero base pa lang sa likod nito ay masasabi kong yummy ang taong ito. Siguro alaga sa gym.
"Someone told me he's a womanizer. I want you to make him a victim on our little drama. Gusto kong patunayan kung totoo ba ang sinabi ng kaibigan ko." sabi pa niya. Napatitig lang ako sa bawat galaw ng lalaki habang may kung anong tinatype sa laptop nito.
"What if di siya kakagat?"
"Eh di, hindi totoo yung sinabi sa akin. Basta feeling ko talaga maniniwala yan. Basta dito lang kami sa kotse. Alam mo na ang gagawin mo." bumuga muna ako ng hangin bago bumaba sa kotse nito.
"Kaya mo yan, Couz." pag checheer sa akin ng tatlong babaeng nasa likurang bahagi ng kotse Pakiramdam ko pinagkaisahan ako ng mga ito. Pag ako makaganti, patay kayong lahat sa akin. Lumipad ang middle finger ko bago tuluyang pumunta sa gawi ng lalaki.
And the rest was history.