This will be the final chapter! Thank you for reading. -- "Are you sure kaya mo na?" nag aalalang tanong sa akin ni Theon. Bumaling ako sa kanya pagkatapos kong itimpla ang kape ng Daddy niya. Hindi ko kasi talaga alam kubg paano manuyo ng ama dahil hindi ko naman sinusuyo dati ang Daddy ko. "Mister, kaya ko na. And besides isang tasa lang naman ng kape ang dala ko. Kaya ko 'to." natatawang sabi ko sa kanya. Napanguso ito dahilan para matawa ako. Ang cute niya kasi mukha siyang puppy. "It's not that, I mean, kaya mong kausapin si dad. Galit pa din yun at ayoko lang naman na baka kung ano-ano na naman ang masasabi niya para sayo." hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa mga labi niya. "I want to have a good relationship to your Dad as his daughter in law. Kung kailangan ako ang guma

