Ilang araw na din ang lumipas mula ng naglayag kaming dalawa ni Theon. Simula noong araw na yun ay mas lalo na siyang naging sweet at caring sa akin. Masaya ako dahil kahit papano ay naging maganda na ang takbo ng relasyon naming dalawa. Stable na din ang kompanya dahil nagtutulungan din kami. Kahit busy siya sa sariling kompanya niya ay nagbibigay pa din siya ng oras para sa akin, para sa aming dalawa. Busy din naman kasi ako pero natutunan ko kung paano ang tamang balanse para maging maganda ang pagsasama namin. Sabado ngayon at wala akong pasok sa opisina samantalang si Theon naman ay may imemeet na investor kaya kailangan niyang pumasok kahit na off din niya ngayon. Napagdesisyonan kong magbake ng cake para naman hindi ako mabored dito sa bahay. "Mam Alejandria, may bisita po kayo."

