Nang makalabas si Mr. Del Grego ay lalabas na din sana ako ng conference room ng maramdaman ko ang mainit na kamay na humawak sa braso ko. "C-Can we talk?" tanong ni Theon habang hawak ang braso ko. Sinulyapan ko ang kamay niya pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa akin. Nag angat ako ng tingin sa kanya and his eyes is pleading. Napalunok ako ng wala sa sarili. Kahit anong daya pa ang gawin ko sa sarili ko. Alam kong malaki ang puwang ni sa puso ko. Pero ang unfair lang dahil sa kabila ng lahat nanghihina pa din ako pagdating sa kanya. Hawak niya pa din ang puso ko. Sa kabila ng lahat siya pa din ang tinitibok ng puso ko. Ang nagbibigay sa akin ng kakaibang kaba na kahit kailan hindi ko pa naranasan kahit noon kay Jacob. Ano ba ang meron sa taong ito na kahit paulit-ulit niya

