Hindi ko na mabilang kung ilang ulit akong nagbuga ng hangin dahil pakiramdam ko ay nalulunod ako. Sumisikip ang dibdib ko habang iniisip na magpapakasal na naman siya. Ang sabi ni mahal niya ako pero bakit naman siya magpapakasal? Liar. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang overlooking na lugar kung saan malayo sa syudad pero kitang kita naman ang nagkikislapang ilaw ng lungsod pag gabi. Tumingala ako sa langit para pigilan ang pagpatak na naman ng mga luha ko pero parang may sarili atang utak ang mga ito dahil nag uunahan na naman sila sa pagtulo. Hanggang sa hindi ko na mapigil ang sarili kong humagulhol. Tinakpan ko ang mukha ko ng palad ko para pigilan ang paghikbi pero ang sakit pala. Ang sakit, yung tipong wala kang ibang malabasan ng sakit na nararamdaman mo kundi lang saril

