Sabay kaming naglakad ni Theon papasok sa kanilang malaking bahay dito sa Tagaytay. Hindi ito kasing laki ng Villa sa Isla pero mas malaki naman ito sa bahay namin sa Maynila. Sinalubong agad kami ng isang napakagandang babae kahit nasa 50's na ata ang edad nito pero nakapasopiskada pa din nito. At kuhang kuha ni Theon ang kulay abo nitong mata. "Finally!" masayang sabi nito at yumakap sabay halik kay Theon. "Mom?" bati din ni Theon pabalik sa kanya. Tipid lang akong ngumiti habang pinagmasdan ang yakapan nilang dalawa, parang bigla ko tuloy na miss ang mommy ko. Kumalas sila mula sa yakapan at bumaling sa akin ang Mommy ni Theon. Bigla niya nalang akong niyakap at nakipagbeso. "Welcome to the family, Alejandria. Pagpasensyahan mo na ang anak ko kung bakit ngayon lng tayo nagkita ha. Yo

