Nabigla si Siana sa tanong ng hari. “Ama, wala namang prinsesa ang hindi gugustuhin ang emperador.” “Pero Siana, alam ko na hindi mo siya gusto noon.” Nakagat ni Siana ang ibabang labi. “Handa ka na ba kung kunin ka niya?” Kinabahan si Siana, hindi niya rin alam ang isasagot. “Alam ko na sa edad mo ay maaaring hindi mo pa gustong umakto bilang asawa,” Nauunawaan ni Siana na maypagka-isip bata pa talaga siya. Pero kung nalalaman ng kanyang ama kung paano siya makipaghalikan sa emperador—nakakahiya! “Ama, hindi pa naman siguro ako kukunin ng emperador. Pero kung gagawin niya ‘yon, magiging masaya ako dahil alam ko na iyon din ang pangarap mo, hindi ba?” nginitian niya ang ama. Nangiti ang ama, “Gusto kong malaman ang tunay mong saloobin. Wala ka bang ibang nagugustuhan?” Umiling s

