“Siana, hindi ako sumusuko—“ “Kamahalan, nakakaramdam ako ng takot pero kaya kong maging malakas. Simula ngayon, hindi na ako lalayo sa ‘yo. Mananatili ako sa ‘yo, kahit saan pa tayo abutin. Kaya kamahalan, hindi ka nag-iisa, kasama mo ako. Hindi kita iiwanan.” "Ikaw lang ang babaeng gugustuhin ko, Siana." Halos lumabas ang puso ko sa narinig ko. Napatulala ako sa kanya nang kumalas ako sa kanya at pagkatitigan ko siya. "Ikaw lang ang mamahalin ko." Seryoso at diretso niyang sabi. Halos malunok ko ang dila ko sa pagkabigla. Dinig na dinig ko ang t***k nang puso ko na pakiwari ko ay nasa bahagi na siya ng lalamunan ko. Bakit natutuwa ang pakiramdam ko? Gusto kong tumalon. Gusto kong yakapin siya. Anong damdamin 'to? "Ikaw kailan mo 'ko mamahalin?" aniya na pinahid nang likuran p

