"Hinahanap ko ang mama at papa ko. Puwede mo bang sabihin sa 'kin paano 'ko makakabalik ng Horus?" inosenteng tanong ni Chase. Narinig ko na ang tungkol sa Horus. Pero hindi pa 'ko nakapunta. "Pasensiya ka na, hindi ko alam. Hanapin na lang natin ang kasama mo?" inialok ko sa kanya ang palad ko. Umiling siya at tumingin sa pusang nilalaro niya sa uluhan. "Wala naman akong kasama." "Paano ka nakarating dito?" takang tanong ko. "Palagi akong nawawala, e. Hindi ko nga alam kung nasaan ako ngayon." Siguro itong batang 'to nagtampo sa kung sinong kasama niya. Imposible kasi na makarating siya rito mag-isa. Mahigpit ang mga barko patungo sa ganitong lugar. Hindi ka basta makapupunta ng may dalang batang kaedad nito na tila nasa lima lang. "Hindi ko kasi alam kung paano talaga kita iha

