SONIA Simula nang dumalaw ang Emperador nakaramdam na ‘ko nang unti-unting paglayo ng prinsesa sa punto na kukunin na siya nito. Hindi ko alam kung magagawa ko pa siyang protektahan kung nasa poder na siya ng emperador. Nang sumunod na araw ay dumalaw ako sa ‘king pamilya pero hindi rin ako nagtagal. Ang pamilyang ‘yon ay siyang umampon lamang sa ‘kin. Isa ‘ko sa biktima ng digmaan noon na nasagip ng isang barko ng mga pirata. Hindi pa nga nila ako gustong paakyatin dahil ako lamang daw ang unang babaeng tutungtong sa kanilang barko. “Kung gano’n ay magiging lalaki ako!” Pinalaki ako na tila lalaki ng kapitan ng barko dahil natuwa siya sa ‘kin. Aniya, mayroon siyang isang anak na babae pero may iba na itong itinuturing na ama at hindi siya nito nakilala. Sa pamamalagi ko nang mara

