HARLEY POV.
"Umalis na tayo, iwan natin sila," saad ni Vanessa habang natataranta sa pag pagbukas ng pinto ng sasakyan nito.
"Hoy! Huwag ninyo akong iwan!" sigaw ni Samantha at patakbong palapit sa amin. Nang makasakay ay nakita rin namin tumatakbo palabas si Reign habang nasa likuran naman nito si Marco at Drake. Sumakay rin ito ng sasakyan ni Drake at nauna pa ipaharurot paalis ng bar.
"Ang bagal mo naman, Vanessa. Nauna pa sila umalis sa atin!" Reklamo ni Samanatha.
"E'to na nga!" sambit ni Vanessa at pinatakbo na ang sasakyan.
Ilang oras ay tahimik akong nakatanaw sa bintana ng sasakyan nang magsalita si Vanessa. Nag text si Reign, nasa restaurant daw sila," bungad ni Vanessa.
"Gusto ko na lang umuwi," mahina kong saad. Ngunit hindi ako pinansin ni Vanessa hanggang makarating kami sa Restaurant.
Sunod-sunod kaming bumaba ng sasakyan at pumasok sa restaurant. Kumaway si Marco sa mesa at lumapit kami roon.
"Grabe kayo, Pahamak kayo!" inis na saad ni Marco hanggang sa maupo kami.
Nabaling nag tingin ko kay Drake na masama ang tingin akin.
"Bakit ganiyan ka makatingin?" taas kilay kong baling kay Drake at nag alis ito ng tingin.
"Ano bang nangyari? Bakit ka binastos ng lalaki sa bar?" baling na tanong sa akin ni Reign.
"Hindi ko alam, sumasayaw lang naman kami ni Van," turan ko kay Reign.
"Make sure kung mang aakit kayo sa bar. Buo ang loob ninyo kapag may lalaking lumapit sainyo! Hindi 'yung magsusumbong kayo kapag nabastos kayo!" galit na baling sa akin ni Drake.
"Bakit nagsumbong ba ako sayo! Ang feeling mo naman!" inis kong turan rito. Akmang sasagot si Drake ngunit agad sumabat si Reign.
"Stop, okay! It's my fault, ako ang nauna sa gulo. Ako ang naunang manuntok kaya nagkagulo. Nagsumbong si Van sa akin na binastos si Harley kaya agad ako napunta roon." Mahabang paliwanag ni Reign at hindi na nagsalita pa si Drake.
"Mabuti, kumain na lang tayo, okay. Mag order na kayo," sabat ni Marco.
"Yeah, let's eat!" sambit ni Samatha.
Matalim ang tingin namin sa isa't isa ni Drake hanggang sa maglapag na ng pagkain ang waiter sa mesa. Pareho kami ni Drake hindi ginagalaw ang pagkain hanggang sa balingan kami ni Marco.
"You know what guys, magkaibigan lang kayo pero dinaig n'yo pa ang mag jowa," baling sa amin ni Marco.
"Yuck!" sambit ko at irap ng mata ko at napangisi lamang si Drake.
"Harley, sumabay ka na sa akin pauwi," saad ni Reign.
"Yeah, isabay mo 'yan pag ako naghatid d'yan baka mapikon pa 'yan sa akin," sabat ni Drake.
"Bakit ako magpapahatid sayo, e' ang hangin-hangin mo," sambit ko at irap ulit rito. Naramdaman ko naman mahina akong siniko ni Van sa tagiliran.
"Girl, enough na. Halatang-halataa ka na kay Drake," bulong sa akin ni Vanessa at napatingin ako kay Drake.
"Alam mo kung may dalaw ka, huwag mo akong idamay. Understand," saad ni Drake.
"Pakialam ko naman sayo," mataray kong turan rito.
"Bakit wala ba?" tipid na turan ni Drake.
"Wala naman talaga, paranoid ka lang chong!" sambit ko rito.
"Oh, come on Harley!" saad ni Drake at tinaasana ko lamang ito ng kilay.
"Please, stop na guys. Bukas n'yo na lang 'yan ituloy," sabat ni Vanessa.
"E' ang kapal kasi ng mukha niyan, 'e," sambit ko pa.
"Mas makapal ang mukha mo, Harley!" galit na saad ni Drake at napatayo sa upuan nito.
"Stop, guys," mahinang sabat ni Reign.
"Do you think magkakagusto ako sayo, itsura mo pa lang wala na sa standard ko lalo pa kaya 'yang ugali mo!" mariin na saad ni Drake at napatayo rin ako sa kinauupuan ko.
"Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo!" galit kong sambit rito.
"No! It's you Harley, few months ago. Your flirting with me then aartehan mo ako ng ganiyan! What the hell are you!" mahabang saad ni Drake at natahimik ako.
"I said, Stop!" sigaw ni Reign at mabilis tumayo at lumabas ng restaurant.
Sumunod naman si Marco at Samantha at lumabas rin ng restaurant.
"Hindi pa ba kayo titigil? Lalabas na rin ako," saad ni Vanessa at napatingin na lamang ako kay Vanessa. Nalipat naman ang tingin ko kay Drake at lumabas ng restaurant.
"Nakakinis kasi si Drake, ang yabang!" galit kong sambit.
"Parang hindi mo naman kilala si Drake, ganiyan na talaga 'yan. Kaya nga nagtataka ako sayo bakit ka nakipag flirt sa kaniya while he's your friend," mahabang saad ni Vanessa.
"Kasalanan mo 'yan, kaya ikaw ang mag adjust kay Drake," dugtong pa ni Vanessa.
"Ayoko mag adjust Vanessa, ayoko na rin maging kaibigan 'yang hudas na 'yan," inis kong saad at lumabas na rin ng restaurant.
Nang makalabas ay nakita kong sumakay ng sasakyan nito si Drake Kasama si Marco. Si Reign naman ay kinuha ang sasakyan nito sa parking ng restaurant at hininto sa harap namin. Binuksan ang bintana at nag salita.
"Sumabay ka na sa akin, ihahatid na kita," saad ni Reign at nagpaalam ako kay Samantha at Vanessa.
Habang seryoso nag mamaneho si Reign ay hindi ako nito iniimik.
"Pasensya na talaga kanina," baling ko kay Reign.
"No, It's fine. Ayusin n'yon ni Drake iyan. Ayoko ng palagi kayong nagtatalo," saad ni Reign at hindi na ako umimik pa.
Nang maihatid ako ni Reign sa tapat ng bahay namin ay agad ako nagpasalamat rito.
"Bye, thank you Reign," saad ko at tumango lamang si Reign at pinatakbo na palayo ang sasakyan nito.
Akmang papasok na ako sa loob ng bahay ngunit natigilan ako nang makita ang sasakyan ni Drake na paparating. Napatitig ako rito hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nito. Bumaba si Drake at tinapunan lamang ako ng tingin bago magsimula magdoorbell ito sa gate ng bahay nito.
Magkatapat lamang ang bahay namin ni Drake, matalik kaming magkaibigan nito at magkababata. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at lihim ko itong nagustuhan. Unti-unti nahulog ang loob ko rito at ang inakala kong may pag tingin rin ito sa akin ay isamg elusyon ko lamang pala. Maya-maya lang ay pumasok na ito sa bahay nito at lumabas ang driver para igarahe ang sasakyan ni Drake.
Mas malaki ng hindi hamak ang bahay nina Drake kumpara sa amin. Ngunit may kaya rin naman kami sa buhay, mayroong bussiness ang mga magulang ko kaya't Nakabili ang Daddy at Mommy ko ng property rito sa tapat mismo ng bahay nina Drake.
Nang makapasok ako sa bahay agad ko tinunton ang kuwarto ko sa ikalawang palapag. Doon nagbihis ako ng pantulog at binuksan ang bintana ng kuwarto ko. Natanaw ko si Drake nakatayo sa Veranda ng malaking bahay nito. Hugis pa lamang ng katawan at kulay ng long-sleeve polo na suot nito ay kilalang-kilala ko na. Nakakalungkot dahil simula nang mang yari sa amin ang bagay na iyon mas madalas na kami magtalo kumpara sa magkasama.
Ilang minuto pa ako nagtagal sa tapat ng bintana. Nakatitig sa kinaroroonan ni Drake na mataman lang rin nakatayo. Bwisit na lalaking ito, kung maabot lamang ito ng libro ay kanina ko pa binato sa kinaroroonan nito. Inis kong sambit sa isipan ko. Doon nagpasiya na akong isara na lamang ang bintana ng kuwarto ko at nahiga na sa kama ko. Pinatay ko ang ilaw pati na ang lampshade malapit sa kama. Doon sinimulan ko nang ipikit ang mga mata ko. Hindi man lamang ako nakaramdam ng tama ng alak sa mga ininom namin sa bar. Kaya naman pakiramdam ko ay hindi ako ganoon kabilis makakatulog. At nang hindi ako makatulog ay muli kong binalingan ang bintana at binuksan. Pasensya na self, sisilipin ko lang si kumag, saad ko sa sarili ko.
Doon ay hindi na nakita si Drake mula sa veranda ng bahay nito. Nakaramdam ako ng lungkot dahil miss na miss ko na si Drake. Miss ko na tumawa kasama siya, miss ko na ang mga libre nito sa akin tuwing ginagawa ako nitong chaperon sa mga iba't ibang babae na ka date nito. Ganoon kalala ang tama ko kay Drake, nakakahiya aminin sa sarili ko pero talagang malalim ang nararamdaman ko kay Drake.