Chapter 19

1045 Words

Pagbaba nila sa motor ay napansin agad ni Shariena na umiiyak ang isang batang babae ang bunso ni Rey. "Tintin, bakit ka umiiyak?" tanong niya agad ng malapitan na ang bata na nakaupo sa sahig sa bungad ng pinto. "Si tatay po kasi tiya eh," saad nito. Agad naman siyang kinabahan baka kung anong nangyari kay Rey. "Ano nangyari Tintin? sabihin mo?" pag aalala niyang tanong sa bata. "Dinala po siya ni nanay sa hospital tiya kasi po bigla po siya natumba kanina habang paalis sila papunta sa palengke," sumbong nito at patuloy parin umiiyak. "Alam mo ba kung saang hospital siya dinala?" tanong niyang muli sa bata. Ngunit hindi alam ng bata kung saan dinala ang ama at mas lalo lang umiyak ang batang babae, niyakap niya ang bata at hinaplos ang likod para mapatahan sa pag-iyak. Kailangan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD