"Thank you for this wonderful night, miss..." pabulong kong sambit sa kanya.
Naalala ko na hindi ko pala alam ang kanyang pangalan. Napa-iling na lang akong nakangiti sabay marahan ko siyang hinalikan sa noo.
Maya-maya ay bumangon ako para hanapin ang kanyang panty na basta ko na lamang tinapon sa kung saan kanina. Nang makita ko ito ay agad kong kinuha at isinuot sa kanya saka hinila ko ang kumot at tinakpan ang hubad na katawan ng dalaga.
Bumaba ako sa kama at nagtungo sa banyo upang makapaglinis ng aking katawan.
Ilang minuto akong nakatapat sa umaagos na tubig sa shower. Nag-iisip kung ano ang gagawin sa nangyari.
Lasing siya ng dalhin ko dito sa aking condo at hindi ko siya kilala pero may nangyari sa amin. Pero napa-isip ako.... "mas maigi na rin ang ganitong nangyari kaysa naman sa dalawang lalaki siya mapunta, tiyak na mapapahamak pa siya sa kamay ng dalawang lalaki na halatang may masamang binabalak."
Iwinaglit ko sa aking isipan iyon, bagkus na mag isip ng kung ano-ano ay tinuloy ko na lamang ang aking pag-ligo.
Pagkatapos kong maligo ay binalutan ko ng tuwalya ang aking hubad na pang-ibabang katawan bago lumabas ng banyo.
Ngunit bigla akong nagulat ng pagka-labas ko ng banyo ay wala na ang babae sa kama.
Agad-agad akong nag tungo sa pintuan baka sakaling kalalabas lang nito, pero wala na ito.
Mabilis ang nangyari sa amin kanina, kasing bilis din ng paglisan niya sa aking kwarto.
Balak ko pa sana na kilalanin siya. Alamin ang kanyang pangalan kung sakaling mahimasmasan na ito sa kalasingan pero bigla na lamang siyang nawala at walang ibang iniwang bakas sa kwarto na ito kundi ang ala-alang binigay niyang kaligayahan sa akin.
Bigo akong bumalik sa aking unit at isinara ang pintuan. Nagsuot ako ng boxer shorts at hindi na ako nagsuot ng pang itaas na damit, pagkatapos ay umupo ako sa upuan na nasa gilid ng dingding na salamin ng aking condo.
Nasa ika 20th na palapag ang aking condo, mula rito ay kita ko ang nagkikislapang ilaw ng mga gusali.
Kumuha ako ng sigarilyo na nakapatong sa isang bilog na maliit na mesa na may kataasan at sinindihan ko ito. Isang malalim na higop ang ginawa ko sa sigarilyo bago ako bumuga ng maraming usok.
Sumagi na naman sa isip ko ang babae, iniisip ko kung paano ko hahanapin ang babae. Ang babaeng na kaulayaw ko kanina lang, hindi na siya mawala sa aking isipan.
Isang linggo ang lumipas.
Nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone, sanhi ng kung sino mang tumatawag.
Pupungay-pungay ang aking mata at napapahikab pa ako ng damputin ko ang aking cellphone sa night table ng aking kama.
Nanlalabo pa ang aking mata nang tingnan ko kung sino ang tumatawag kaya bahagya kong kinusot ang aking mata para maibsan ang panlalabo nito.
Hindi naka-rehistro ang numero sa aking cell phone, duda ko itong sinagot.
"Hello. . .?" Saad ko ng sagutin ang tawag nang itipat ko ito sa aking tainga.
"Vin, pinapatawag ka ni boss," tugon ng lalaki sa kabilang linya.
Agad kong nahulaan ang boses ng lalaki, isa pala ito sa mga kasamahan ko sa trabaho kay boss Hugo.
"Copy," tipid kong sagot.
Pinutol ko ang tawag at ibinalik ang cellphone sa pinaglalagyan nito kanina.
Napilitan na akong bumangon at nag desisyon na maligo.
Nang matapos ay nagbihis lang ako ng kupas na maong at itim na t-shirt saka pinulot ang helmet na itim na nakapatong sa lamesa.
Naglakad ako papunta sa harap ng salamin at kinuha ko ang kulay itim na leder jacket na nakasabit sa gilid ng salamin. Inilapg ko muna sa sofa ang helmet bagi ko sinuot ang aking jacket. Nang matiyak kong okey na ang aking sarili ay kinuha ko ang aking cellphone at susi ng motor na dukati saka lumabas ng condo bitbit ang helmet.
Ilang oras akong naglakbay sa matrapik na kalsada bago ako nakarating sa mansyon ni boss Hugo.
Agad akong nagtanong sa guwardiya na nag bukas ng gate sa akin.
"Si boss?"
"Nasa loob, kanina ka pa hinihintay," tugon ng guwardiya.
May tatlong minuto pa ang layo mula sa gate hanggang makarating sa harap ng malaking pinto sa mansion.
Pagbaba ko sa motor ay agad akong pumasok sa mansyon.
Pagpasok ko pa lamang ay nakita ko na ang nag u-umpukan sa sala. Ang mga tauhan ni Don Hugo Branson na abala sa paglaklak ng beer na naka bote.
Huminto ako sa harap nila para tanungin sila ngunit naunahan ako ng isa sa kanila.
"Oh, nandiyan ka na pala," saad ng isang lalaki na siyang tumawag sa akin kanina.
"Asan si boss?"
"Nasa opisina," sagot naman ng isang lalaking nakatayo, matapos bumuga ng usok ng sigarilyo.
"Ang aga ng beer ah," turan ko bago ako nagtungo sa opisina ni amo.
Ilang segundo ay narating ko ang opisina ni Boss Hugo. "Boss, pinatawag mo raw ako?" Bungad ko ng makapasok na ako sa loob ng opisina nito.
Nakaupo siya sa swivel chair ngunit nakatalikod. Tumayo ito at humarap sa akin.
"Vincent, good to see you here. Umupo ka," aniya. Tinuro niya ng upuan na nasa harap ng kanyang office table. "Siya nga pala, may ibibigay akong misyon sayo," wika niya matapos ilapag sa mesa ang isang brown envelope matapos itong kunin sa drawer ng kanyang office table.
Kumunot ang aking noo bago sumagot. "Hindi ba maaga pa para sa susunod kong misyon? Hindi pa tapos ang aking bakasyon boss," ani ko. Pagkuwan ay kinuha ko rin ang envelope saka binuksan ito para tingnan ang nasa loob.
Detalye at litrato ito ng lalaking may edad.
"I know Vince," nakangiti niyang saad. "Hindi mo ba naaalala ang sinabi mo sa 'kin bago ka umalis dito sa mansion noong matapos mo ang huli mong misyon?” Aniya at lumapit sa akin.
Nag salin siya ng alak sa baso. “Sabi mo isang misyon na lang ang tatanggapin mo at titiwalag ka na,” patuloy pa niya at sumimsim ng alak. “Mabait akong amo Vincent, at hindi ako tulad ng iba na pumapatay ng tauhan kapag gusto na nitong tumiwalag sa aking binuong organisasyon,” giit niya. "Nasa loob niya'ng envelope ang huli mong misyon."
Tinuro niya ang envelope na ipinatong nito sa office table. "Pag nagawa mo yan ng walang palya ay bibigyan pa kita ng bunos, malaya kang makakaalis sa organisasyong ito," dagdag niya at tumalikod bago uminom ng alak.
Alam kong mabait na amo si Hugo, pero wala akong pinagkakatiwalaan. Ang mga katulad ni Hugo ay pwedeng maging tuso.
"Mabigat ba ang taong ito, kaya ito ang inatas mo sa aking huling misyon?" Tanong ko matapos kong usisain ang detalye ng target.
Muli ko rin binalik sa loob ng envelope ang litrato at papel at inilapag ko muli ito sa mesa.
"Exactly. Siya ang pinaka matinik at malaking sindikato all around the world, wala pang nakaka tibag sa grupo niya, alam kong kaya mo siya may tiwala ako sayo Vincent.... oras na nagawa mo iyong huling misyon, pangako.... hindi kita bibiguin sa ipinangako ko sayo, fifty million at malaya kang aalis sa pagiging hitman."
May naramdaman akong tuwa sa sinabi niya. Ngunit hindi ako dapat na makampante.
Matagal ko ng gusto na mag bagong buhay, magulo ang buhay sa uri ng aking trabaho. Bawat misyon ay hindi ko tiyak na makakaligtas ako, wala akong freedom. Palagi akong nagtatago sa mga alagad ng batas.
Ilang minuto pa kaming nag-usap at sa huli ay tinanggap ko rin ang kanyang alok. Nilapitan niya ako at bahagyang tinapik ang aking kanang balikat. Matapos ay pinulot ko ulit ang envelope sa mesa at walang paalam na nilisan ang opisina ni Hugo.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang makalabas ako ng mansyon, hindi ko na pinansin ang aking mga kasamahan kahit na tinatawag ako.
Hindi ako friendly na tao, pili lang ang mga taong pinakisasamahan ko.
Habang nasa byahe ay nag-iisip ako kung anong mangyayari sa akin kung sakaling mabigo ako sa aking huling misyon. May pinangako sa akin si Hugo ngunit alam kong tuso ang aking amo, tiyak na ipapa-patay din ako ni Hugo kapag pumalya ako o kahit magawa ko ng maayos ang aking trabaho.