Makaraan ang ilang oras ay nakabalik na sila ng hotel na ligtas, cellphone na lang ang natira sa mga importanteng gamit ni Shariena maliban sa mga damit na nagkalat sa sahig. Ang laptop at ang mga cards na naglalaman ng mga documents sa negosyo at pera sa bangko ay wala na, malamang sa malamang ay nakuha na ito ng sakim niyang tiyuhin. "s**t!" bulalas ng dalaga. Habang si Vincent ay halatang nagiisip ng malalim kung paano ang gagawin niya para mabawi ang nawalang mga importanting bagay sa dalaga. "Hindi ko pwedeng hayaan na lang na makuha niya ang lahat ng pinaghirapan ng magulang ko." Singhal ni Shariena habang hilot ang sintido at hindi mapakali, paroo't parito ang kanyang lakad sa loob ng kwarto nila dito sa hotel, iniisip kung anong pwedeng gawin para mabawi ang mga ninakaw ng

