Napahaba ang usapan namin ni Hugo Renante at Jessa, sa una ay naging malungkot hanggang sa napalitan na ito ng tuwa at tawanan. Ramdam ko pa rin ang hirap at sakit na pinagdaanan ni Hugo sa kamay ni Francis. Ang buong akala ko noon ay naging kakampi si Hugo ni Francis, ngunit nagkamali ako. Kailangan lang pala sumunod ni Hugo sa mga utos ni Francis para mabuhay siya hanggang sa makawala sa kamay ng walang puso na si Francis. “Oh, pano? Mauna na ako… Renante, ako na ang bahala sa inyo. Mag-ingat kayo dito, babalik na ako sa mag-ina ko.” Nagpaalam ako sa kanila matapos ko silang ihatid sa condo, bumili ako ng condo unit na sakto sa kanilang tatlo at maging komportable silang makakapag pahinga. Malaki ang tuwa ni Renante ng malaman na mag-ama kami ni Hugo, labis ang kanyang pag iyak dahil

