Four Years Later... "Flowers again?" manghang tanong ni Luisa kay Gia nang mabungaran ang puting rosas sa table niya. Isang linggo nang may dumadating na iba't ibang bulaklak sa opisina niya na walang nakapangalan kung kanino galing. Wala rin siyang ideya. "Hindi ko naaabutan ang delivery boy," sagot niya habang sinasamyo ang mga bulaklak. "Minsan ay wala pang alas nueve nasa guard na ang bulaklak. Baka naman hindi para sa akin." "Nagtataka ka pa ba? Hindi ka pa nga pumapayag sa mga book signing ng published books mo naparami mo ng manliligaw, baka isa sa mga fans mo." "Nobody knows I am 'Periwinkle'," katwiran niya kay Luisa. "Hindi kaya si Art ang nagpapadala sa 'yo n'yan?" hula pa nito. Nakangiti rin siyang umiling. "Art will send flowers with a note. At consistent 'yun s

