Nagising si Gia na wala sa tabi niya si Samir, pero naaamoy niya ang masarap na bagong ihaw na tuna. Sa parteng iyon ng Zambales ay mayaman sa isda at iba pang yamang dagat. Nagbihis siya at hinanap si Samir. May mga bangkero itong kausap at hawak pa ng asawa ang fishing rod. Napangiti ito nang makita siya saka nagpaalam sa mga kausap. Umalis naman ang mga bankero na sakay ng bankang de motor. "Lunch is ready." Humalik ito sa kanya saka iginiya papasok muli sa cabin. Sa kusina ay naroon ang nakahandang pagkain. Pagkatapos ng tanghalian ay sa cabin lang sila nagkuwentuhan dahil mainit sa balat ang sikat ng araw. "Nadala mo 'ko dito nang hindi ko namalayan?" "Gusto kitang padapain sa pag-inom mo ng hindi mo kaya. You were so drunk last night. Alam mo ba ang ininom mo?" tanong n

