Puno ng pagkamangha ng makita ang unti-unti paghilom ng pagputok ng labi niya sa isang matingkad na kulay itim na pinahid sa kanya ng Reyna ng mga lobo. Lalo nakadagdag sa pagkamangha niya ng malaman na tulad niya ay itinakda ito sa isang lobo. Laking pasasalamat niya rito na sinalba nito ang buhay niya mula sa isang lobong na wala ata balak na buhayin siya. s**t! Pinatoturture siya ng Hari! "Kamusta na sa mundo natin?" magiliw na tanong ng Reyna sa kanya. Hindi niya alam kung papaano niya ito kakausapin gagamit ba siya ng mahal na Reyna..ng Opo at po o aasta na parang magkasing-edad lang sila. Mukhang bata pa kasi ito kaysa sa kanya. Magandang Reyna. Ngayon alam na niya kung saan namana ng kasintahan ang kagandahan nito. Alam na rin niya kung saan namana ng kasintahan ang personality

