Nakangiti at mataman na pinagmamasdan ni Arthur ang magandang mukha ng dalaga na mahimbing pa rin natutulog sa kama niya. Lalo lumaki ang pagkakangiti niya ng maalala ang nangyari sa kanila ng nakaraan gabi..shit,magliliwanag na ata ng tigilan nila ang isa't-isa. Masuyo niya hinawi ang ilang hibla ng buhok nito na tumabing sa kalahati ng mukha nito at iipit iyun sa likod ng tainga nito. Nagising ang dalaga at dahan-dahan nagmulat ng mga mata. "Good morning,mahal ko," pagbati niya rito. Mataman ito tumitig sa kanya na tila sinisiguro nito na hindi ito nanaginip na nasa harapan siya nito. Nakasandig ang likod ng ulo niya sa kamay niya habang nakatukod ang siko niya sa unan paharap sa dalaga. Bumaba ang maiitim nitong mga mata sa hubad niyang harapan. Napangisi siya ng umungol ito at isu

