Naalipungatan si Arthur ng may malamig na bagay ang dumidiin sa sintido niya. Pagkamulat niya isang nakangising lalaki ang nasa gilid ng kama sa may likuran niya. Nguso pala ng baril ang nakadaiti sa sintido niya. Sa tulong ng liwanag ng buwan naaninag niya iyun. Agad na napalingon siya sa dalaga na mahimbing pa rin natutulog sa tabi niya. Balot ng kaba at takot para sa kasintahan. Hindi lang isa ang lalaki na nasa silid nila. Tatlo ang mga ito at nakatutok sa kanila ang mga baril ng mga ito. Shit! Pinasok sila ng mga akyatbahay! Sinenyasan siya ng nasa gilid niya na bumangon. Mabuti na lamang nakaboxer siya. Maingat na bumangon siya at tiim-bagang na pinakikiramdaman niya ang tatlong lalaki. Agad na tinalian siya ng isang lalaki sa kamay sa likod niya. Puno siya ng pangamba at takot

