"Arthur," untag niya sa binata na abala sa pagpupunas ng mga plato at baso. Agad ito humarap sa kanya at napatingin sa hawak niyang kahon na isang dipa ang laki nilapag niya iyun sa center island. "Wear it tomorrow night at 6pm.." nakahalukipkip niyang saad. May pagtataka na binuksan nito ang kahon. "Para saan?" "Anniversary ng company..at.." aniya at hindi niya alam kung paano niya dudugtungan yun. Go,princess! Di ba kayo na?! Bahagya nangunot ang nuo niya sa sinabi iyun ng wolf niya. Sila na ba? In a relationship,for real?! Nagpakawala siya ng malalim na hininga pagkahamig niya sa sarili. "I..I need a date,"sa wakas saad niya. Lumawak ang pagkakangiti ng binata. Napakurap-kurap siya ng abutin siya ng binata at masuyong yakapin. Tila huminto sa pagtibok ang puso niya sa ginaw

