Naalipungatan si Arthur mula sa pagtulog niya. Agad na naging alerto siya sa paligid. Kapag ganun siya na unusual na basta na lang magigising alam niyang may mangyayari o may kakaiba sa paligid. Nanatili siya nakahiga sa kama niya at pinakiramdaman ang buong paligid. Bumaling ang mga mata niya sa nakabukas niyang balkonahe. Mabilis niyang sinulyapan ang alarm clock na nasa gilid ng kama niya. Alas y tres pa lang ng madaling araw. Muli siya napatingin sa labas ng makarinig siya ng pamilyar na mabigat na yabag. Hindi kaya ! Mabilis at walang ingay na bumangon siya. Mabuti na lang nakapatay ang ilaw niya sa kwarto niya. Tinungo niya ang balkonahe niya at mula sa makapal na kurtina doon sya kumubli at pilit na inabot niya ang tanaw kung saan nagmumula ang mabigat na yabag na yun hanggang s

