Chapter 42 Ang buong section na hawak ni Kris ay nagbunyi para sa masayang balita na sinabi sa kanila ni Nathan, marami pa rin ang hindi makapaniwala pero mas pinili na lang nila ang maging masaya para sa kanilang adviser na wala naman hangad kundi ang ikakabuti ng kanilang buong section. Ang iba rin sa kaklase ni Summer ay nanghingi ng tawad dahil mali sila ng hinala sa kanya, nanghingi rin sila ng tawad noong nakitawa sila nang binubully siya ng iba. Yung iba naman ay hindi magawang tignan si Summer dahil mas pinapangunahan sila ng kanilang hiya. Hindi naman kasi nila aakalain na hindi naman pala totoo yung mga issue na ibinibintang sa kanya. Maging nga yung issue na may sugar daddy siya o yung may anak na siya ay hindi na sila gaano pa naniniwala dahil baka mamaya ay gawa-gawa lang ri

