Chapter 5 : Absent
Claude POV
Paparating na ang adviser namin pero wala pa rin si Summer. Pagkatapos ko kasi siya makita kahapon ay balak ko sana siyang sundan pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang lapitan.
Talagang nagulat ako nung nakita ko na bumagsak ang luha ni Summer kahapon. Hindi ko alam pero naramdaman ko rin ang sakit na naramdaman niya. Hindi physical na sakit kundi emotional. Pagkatama pa lang ng mga mata namin ay parang gusto ko siyang lapitan at yakapin.
"Claude wala pa rin si Summer, ayos lang kaya siya?" napatigil ako saglit sa tinanong saakin ni Himari.
"B-bakit mo sa akin tinatanong?" sinamaan naman ako ni Himari ng tingin kaya naman tumahimik nalang ako.
Kalat na kalat na kasi sa campus ang ginawa ni Reena kay Summer kaya naman pinatawag siya kanina ng dean ng school. At hindi ko na alam kung naparusahan ba si Reena o hindi. Umayos na kami ng upo dahil dumating na ang adviser namin.
"Ma'am? Makakapasok po ba si Summer ngayon?" mas lalong tumahimik ang classroom dahil sa tinanong ni Himari, pati ang mga kaibigan namin ay napatingin sa kanya.
"Ikinalulungkot ko pero dalawang araw hindi makakapasok si Summer. Dinala si Summer kagabi sa hospital dahil sobrang taas ng lagnat niya," malungkot na sabi sa amin ng adviser namin kaya naman napatakip ng kanyang bibig si Himari.
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko sa narinig ko mula sa aming adviser. Dapat nga wala akong pakialam sa kanya pero sa tuwing naaalala ko ang malungkot niyang mga mata ay nakakaramdam din ako ng kalungkutan.
Pero naisip ko na baka na-guiguilty lang ako dahil hindi ko siya tinulungan kahit na nandoon ako sa garden. Bakit nga ba hindi ko siya tinulungan? Naiinis kasi ako sa kanya dahil ang lampa-lampa niya hindi man lang siya lumaban. Kaya lagi siyang na-bubully eh.
Hindi ko alam pero napatayo ako mula sa aking kinauupuan. Dali-dali ako ng lumabas ng classroom, rinig ko na tinatawag ako ng adviser namin pero hindi ko siya pinapansin. Dumiretso ako sa opisina ng dean namin dahil alam kong nandoon pa si Reena. Alam ko naman na mali ang ginawa ko na hindi ko siya tinulungan kahit na nandoon na ako sa garden. Laging bumabalik sa alaala ko ang mga mata niya ng humingi ng saklolo.
"Claude," nakangiting bungad sa akin ni Reena habang sinasarado niya ang pintuan ng opisina ni dean.
Base sa mukha ni Reena mukhang hindi siya parusahan sa kanyang ginawa kay Summer. Nakangiti kasi siya habang papalapit sa akin.
"Anong ginawa mo dito Claude? Nag-aalala ka sa akin no?" sabi into at kinuha ang kamay ko. "Huwag kang nag-aalala dahil hindi ako ma-sususpend kasi ang sabi ni Summer hindi naman ako ang gumawa nun sakanya. Wala naman kasi talaga akong ginawa sa kanya."
Hindi ko alam pero dumilim ang paningin ko. Marahas kung hinila ang braso ni Reena saka ko siya hinila pababa patungo sa garden kung saan niya binully si Summer. Wala akong paki sa mga nakatingin sa amin sa labas ng bintana.
"Anong sabi mo? Hindi ka nag paparusahan sa ginawa mo?" hindi makapaniwala ang sabi ko sa kanya. "Kitang kita ko ang ginawa mo pati ng mga kaibigan mo."
"Ano bang sinasabi mo Claude? Wala akong alam sa ibinibintang mo," sagot sa akin ni Reena kaya naman napailing na lang dahil sa inis.
"Saka bakit parang alang-alala ka sa kanya?" natigilan naman ako sa itinanong sa akin ni Reena.
"Wala ka ng pakialam doon. Saka wag mo akong baliktarin dahil ikaw ang may atraso kay Summer," sabi ko sabay duro sa kanya. "Ano ba ang kasalanan ni Summer kaya mo ginagawa ang mga ito?"
"Kakalipat lang sa section niyo pero bakit parang close na kayo? Hindi mo pa rin ba talaga naiintindihan? Gusto kita Claude simula nung mga bata pa tayo," kahit naman noon sinasabi na ito sa akin ni Reena.
"Paulit-ulit na lang tayo tungkol sa bagay na iyan Reena," ilang beses ko na rin kasi sinabi na wala akong gusto sa kanya.
"Alam ko naman na nasasabi mo lang yan dahil sa status mo. Siguro pinagbabawalan ka ng Manager mo na ma-link sa ibang bae," pagpupumilit sa akin ni Reena kaya mas lalo akong nadismaya sa kanya.
Sa totoo lang ay kaibigan rin namin si Reena, pero namalayan na lang namin na unti-unti na siyang napapalayo sa amin. Hanggang sa napabayaan niya ang pag-aaral niya kaya bumagsak siya sa ikalawang section. Hindi naman ganito ang ugali niya simula ng madikit siya sa mga kaibigan niya ngayon ay tuluyan ng nagbago ang masiyahan at sweet na si Reena.
Inaaway niya lahat ng babaeng napapadikit sa akin hanggang sa naging model ako. Mas lalo niyang pinagsigawan na gusto niya ako pero ang tingin ko lang sa kanya ay nakababatang kapatid. Siya ang lumayo sa amin pero iba ang sinasabi niya ngayon.
Tapos sisisihin niya pa ang Manager ko. Matagal ko na itong napaliwanag sa kanya. Pero hindi niya iyon matanggap. Alam ko rin na si Summer ang nangunguna sa section nila kaya mas lalo niyang pinahihirapan si Summer dahil si Reena ang pangalawa sa klase nila.
"Nag-iba ka na Reena, hindi na ikaw ang kilala naming Reena. Kinain ka na ng pagiging makasarili mo," ayaw ko naman sana na saktan siya pero hindi na tama ang mga ginagawa niya. Kita ko sa mga mata niya na hindi niya inaasahan ang mga sinabi ko.
"A-ano ang sinabi mo?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Kailan mo matatanggap na hanggang kapatid lang ang maituturing ko sa 'yo? Sinasaktan mo ang ibang tao dahil jan sa lintik na nararamdaman mo para sa akin," napahilamos na lang ako ng mukha dahil nakita ko na bumagsak ang mga luha niya pero hindi ako madadala sa pag-iyak niya. "Mga bata pa tayo, may makikilala ka rin na mas higit pa sa akin. Higit sa lahat kailangan mong akuin ang ginawa mo kay Summer."
"At kapag nalaman ko na sinaktan mo ulit si Summer hindi ko alam kung mapapatawad pa kita," sabi ko at umalis na ako sa kanyang harapan.
"Claude! Hindi ako titigil!" sigaw pa ni Reena pero hindi ko na siya pinansin. Napahilot na lang ako sa sentido ko.
Wala na ako sa mood para bumalik sa classroom namin kaya pumunta ako sa parking lot. Naabutan ko si Kuya Pete sa labas habang may tinetext. Marahil ay kausap niya ang asawa niya. Si Kuya Pete ang driver ko, hinire siya ni mama para sa akin. Sumakay muna ako sa kotse at isinandal ko ang ulo ko sa head rest. Muli ay naalala ko ang huling sinabi ko kay Reena.
"At kapag nalaman ko na sinaktan mo ulit si Summer hindi ko alam kung mapapatawad pa kita."
Hindi ako makapaniwalang napangisi sa aking sarili. Saan ko naman nahugot ang mga katagang iyon?
"Bakit ko nga ba sinabi iyon? At ano ang pakialam ko kay Summer?"
---