Summer POV "Subukan mo na sampalin pa ulit si Summer at may kalalagyan ka na!" sabi ni Kuya Nathan kay Reena habang hawak niya ang kamay nito na sasampal na sana. "Bitawan niyo nga ako nakakadiri kayo!" sabi ni Reena kay Kuya at binawi niya ang kanyang braso na hawak ni Kuys Nathan. "Ang bastos din talaga ng bunganga mo eh no? Baka nakakalimutan mo na adviser niyo si Sir Nathan," pagtatanggol ko sa kanya habang hinaharang niya ang katawan niya sa pagitan namin. "Hmp! Teacher na pumapatol sa estudyante niya? Hindi ko nga alam kung bakit hindi pa yan natatanggal eh. Imbes na magturo ay nanglalandi. At ikaw naman na malandi pumatol sa kanya!" sigaw ni Reena kaya naman nakakaagaw na kami ng tingin ng mga studyante. "Hindi ko alam na mas malala ka pa pala sa iniisip ko. Pero sa oras na sak

