“I'LL GIVE YOU TWO MINUTES TO EXPLAIN YOURSELF, CRISSA SHEN.” Napakagat-labi ako sa puno ng diin na boses ng kaibigan kong si Austin. “A-Austin…” Napapisil ako sa sarili kong kamay sa kaba. Nasa kotse na ako ngayon kasama ng tatlong kong kaibigang lalaki; si Austin, Patrick at Vince. Nasa front seat kami ni Austin at nasa backseat naman si Patrick at Vince. Muntik pang magkagulo kanina sa loob ng club dahil ayaw akong bitawan ni Axle, kaya parang napikon naman ang mga kaibigan ko lalo na si Austin na uminit agad ang ulo at kinuwelyuhan si Axle, buti na lang ay dumating sina Cullen at Yael na agad na umawat. And now here I am, kinakabahan at hindi makatingin ng diretso sa mata ng mga kaibigan ko. I don't know what to say. I don't know how to explain myself to them. I was so nervous an

