Spencer didn't answer and just looked at me. Ilang sandali pa niya akong tinitigan with his blank expression, hanggang sa isang mahinang buntong hininga ang kanyang pinakawalan at iniwas na ang tingin sa akin. “No, you're wrong. I didn't fake my identity. Spencer Salvador is my legal name, ang pangalang iyon ay kusang ibinigay ng taong umampon sa akin, kaya kung ano man ang pangalan ko ngayon ay ito na ako; Not a 12-year-old boy from twenty years ago.” “Pero alam ba ni Lolo kung sino ka talaga? At kung anong nakaraan ang mayroon ka?” “Importante pa ba 'yun?” He looked at me again, bahagyang ngumisi ng mapait pero bumalik din agad sa pagiging seryoso. “Kailangan pa ba niyang malaman kung sino ako at anong nakaraan ang meron ako? For what reason? Dahil ba 'yung Lolo ko ay namatay sa pagta

