Chapter 2
Tahimik kong pinagmamasdan si Angelo habang ako ay nagsasagot sa assignment ko. Kanina niya pa kasi sinisigawan iyong laruan na binili ko, iyong pop it. Hindi niya raw kasi mapindot ng maayos.
"Ang panget mo namang laruin po." Nakangusong sabi niya.
"Mapindot ka na kasi!"
" Ma! Sabi mo po nakakawala ng stress po 'to?! Bakit po mas lalo akong na stress?!"
Wow, nahiya naman ako dito sa batang ito, hindi pa nga pumapasok sa school tapos stress daw siya? Narinig niya lang sa akin ang salitang stress na iyan, ginaya niya na.
"Bakit ka naman stress? Eh, wala ka na nga halos ginagawa dito sa bahay. Kain,tulog, ligo, at laro na nga lang ginagawa mo, eh." Sabi ko habang tinatabi ang laruan niya pagkatapos ay binuhat ko siya. Yumakap naman siya agad sa leeg ko.
"Eh, ma. Nakaka stress din po kaya iyon, minsan kahit ayaw ko pong maligo pinipilit niyo ako, nakaka stress po kaya iyon lalo na kapag malamig ang tubig." Mas lalo naman tumulis ang nguso niya.
"Ay, ganon? Edi dapat doon ka na lang sa Daddy mo para hindi ka ma-stress?" Tumungo naman siya sa una kong sinabi tapos bigla naman sumama ang tingin niya nung nabanggit ko ang Daddy niya.
'Ha ha ha may alas ako sa iyo, bleh.'
"Isusumbong po kita kay Tito." Aba! Nanakot ka pa? Well, nagtagumpay ka, whatever.
"Huwag nga! Gusto mo pumunta tayo sa SM Calamba? Bili tayo ng libro mo?" Tawa-tawa pa siya pero nung nabangit ang libro halos mag ningning ang mga mata niya, tsk. Ewan ko ba dito kay Angelo, ang bata pa pero ang hilig niyang mag basa ng libro, sana all. Pabasahin ko kaya ito ng libro naming pang nursing?
"Ma, tara na po! 'wag ka nang mag make up, maganda ka na naman po, eh." Naka ngusong sabi niya. Hindi naman ako nag me-make up, eh. Naglagay lang ako ng liptint para hindi maputla ang labi ko.
"I know right, let's go." Sabay kaming natawa.
Noong ni-la-lock ko ang gate nakita ko na parang maraming gamit ang naka labas sa kabilang bahay. May bagong lipat siguro.
Buhat-buhat ko ngayon si Angelo dahil tinatamad daw siyang maglakad, tsk. Papunta kami sa sakayan ng tricycle tapos mag ji-jeep.
Habang naglalakad ako feeling ko may matang nakatingin sa akin pero pag lilingon naman ako, wala namang tao. Weird.
"Anong libro ang gusto mong bilhin, bebe Angelo?" Tanong ko, dahan-dahan naman siyang lumingon saakin. Whoa, creepy hshshs. Chor
"Hmm." Nilagay niya naman ang kanyang hinlalaki sa baba na animo'y parang matanda.
"Ma, katulad na lang po ng libro mo, iyong may body parts." Nakangiting sabi niya
"Sige, bebe." Hinalikan ko naman siya sa pisngi niya. Humagikgik siya ng kinurot ko ang pisngi niya.
Pagdating namin ay nag libot libot muna kami bago kumain. "Ma, gusto ko po ice cream at mash potato." Nakangiting sabi niya.
"Gagawa na lang tayo mamaya, hmm? Para madami." Alam ko namang kulang sa kanya ang isang order, eh.
Namilog naman ang mga mata niya. Nakakatuwa talaga kapag ganito siya.
"Talaga po, ma?!" Tumango naman ako. Bigla naman siyang sumigaw
"Yehey! I love you, ma! You're the best!" Sabay nag thumbs up siya.
"I love you too, Angelo!" Binuhat ko naman siya at agad naman siyang yumakap sa leeg ko.
Nandito kami ngayon sa sakayan ng jeep, naghihintay lang ng ibang pasahero si manong driver. Si Angelo naman ito buhat ko na naman dahil knock down, naglaro kasi muna kami sa toms world. Kanina nung nasa National Bookstore kami tuwang tuwa kasi binilhan ko ng libro. Sabi pa niya kanina "Ma, bilhan mo na po kasi ako ng libro nakakabored kasi sa bahay, ih." Kaya binilhan ko na lang para hindi niya pakialaman iyong mga books ko.
Naalala ko noon iyong ginawa niya, iniwan ko lang sandali kasi iinom ako ng tubig tapos pagbalik ko hawak na niya ang libro ko, may exam pa naman kami noon tapos ayaw niya ibalik kaya siya nalang pinag take ko ng exam online naman -,- akalain niyo iyon na perfect iyong exam. Ako nagbabasa ng tanong siya nagsasabi kung ano sagot hahaha. Nakakahiya ༎ຶ‿༎ຶ natalo pa ako ng bata.
Naglalakad na ako papuntang bahay ng mapansin na parang iba na ang nakatira sa tabing bahay namin, ang alam ko babae ang dating nakatira pero ngayon mukhang lalaki na, may nakasampay kasi na mga brief sa harap. -,-
"Oh, Shalen. Nakauwi na pala kayo ni Angelo, saan pasalubong ko?" Tanong ng epal na si Kokey ay este epal na si Pierce.
"Oh, ito. Masarap iyan, pwede mong ulamin kahit isang taon huwag mo nga lang kakagatin kasi mauubos agad kaya kailangan dilaan mo lang, ha? You're welcome agad!" Inabot ko naman sa kanya ang paper bag na naglalaman ng buto ng manok.
"Huh?" Sabi niya tapos kumaway na ako sa kanya at bago umalis ay sinabi ko na pumunta siya sa bahay pag hapunan na para mabigyan ko siya ng ulam. Nakaka guilty din kasi hshshsh.
"Sige, Shalen! Magsasama ako ng tropa ko! Isa lang naman hehe." Aba makapal din pero hinayaan ko lang as if naman na hayaan ko silang mag take home ng marami.
Ano sila gold?
"Gising na pala ang bebe ang 'iyan, ah?" Narinig ko kasi na tumawa siya, kapag kasi bagong gising siya tumatawa-tawa siya tapos lumabas ang kanyang dimple. Buti na lang talaga at hindi ako ganon nahirap sa pagpapalaki sa kanya dahil hindi siya katulad ng ibang bata na sobrang kulit na para bang naiintindihan niya ang sitwasyon namin.
ibinaba ko muna si Angelo dahil kukunin ko ang susi ng gate, agad naman siyang humawak sa dulo ng damit ko.
Nang hinawan ko ang kamay ni angelo may naaninag akong bulto ng isang matangad na lalaki, mayroon siyang suot na facemask kaya hindi ko kita ang buong mukha niya, tanging kulay berdeng mata ang kita, ang lahat ng suot niya ay kulay itim simula sa kanyang damit hanggang sa kanyang sapatos.
"Hello, Mister!" masayang bati ni angelo sa lalaki. Napansin ko na parang may butil ng luha ang tumulo sa mga mata niya bago nagmamadaling umalis.
---------------
LadyDvne_