Three Days Before The Wedding Makalipas ang ilang minuto ay umabot sa leeg ang garter at hindi kagaya noong mga bata pa lang kami ay hindi na namin 'to kaya. Maski ako na MVP noon sa larong ito ay walang nagawa kaya't hindi na namin naituloy pa hanggang ulo. Nakakainis! Matapos naming maglaro ng Ten-Twenty ay sumubok naman kami ng iba't iba pang larong pangbata. Nakakatawa dahil ito lang yata ang bridal shower na may ganitong klase ng games. Naglaro pa muna kami ng tumbang preso, luksong kalabaw, tagu-taguan at iba pang pang-batang laro bago namin napagdesisyunan na magpahinga na. Hindi ko na namalayan na tatlong oras na pala ang lumipas. Talaga nga namang hindi mo talaga mamamalayan ang oras kapag kasama mo ang mga paborito mong tao. Nang makapagpahinga na kami ay pinaupo na uli ako

