Five Years Before The Wedding
Isang linggo na rin ang nakalipas nang para akong balisang isda na laging kinakabahan sa tuwing rumerehistro sa utak ko ang ideyang pagmamay-ari na ni Lucas Cua ang kumpanya namin.
Nakakaloka naman kasi talaga!
Hindi ako makapaniwala na ang dating kaibigan ko lang-- na binabatuk-batukan ko lang noon, na sinasapak-sapak ko lang noon-- ay siya nang asensadong businessman na magmamay-ari ng kumpanyang may 34% share sa Real Estate Market ng Pilipinas!
Talaga nga namang bilog ang mundo!
Dati kasi, si Lucas iyong tipo ng estudyante na walang pakialam sa grades. 'Yung tipong pumapasok lang kasi bored siya. 'Yung puro kagaguhan lang ang alam.
Well, ganoon din naman ako dati. Maybe, we are the living proof na hindi ma-de-define ng grades mo ang magiging future mo. Sa huli naman kasi ay pagsisikap ang dapat mong kapitan kung gusto mong lapitan ka talaga ng tagumpay.
Sa buhay naman kasi, hindi dapat puro talino lang. Dapat, magsumikap ka rin.
Thinking about that, sampung taon na rin talaga ang nakalipas magmula nang maghiwalay kami ng landas ni Lucas. Nagpasya kasi ang mga magulang niya na sa ibang bansa na lang ituloy ang pag-aaral niya dahil sa mga babagsaking grado na nakuha niya noong Junior High School pa lang kami. Gago, eh. Siguro ay naisip nilang magtitino siya kung panibagong environment ang gagalawan niya. Which was effective. Just look at where he is right now!
Magmula noon, hindi ko na talaga siya nakita. Kasi para siyang tanga. Mag-deactivate ba naman ng social media accounts matapos maglaho nang hindi man lang nagpapaalam?!
But thinking about him, I started to miss him more.
Noong Grade 10 pa lang kasi kami, si Lucas 'yung tipo ng tao na poprotektahan ka sa hindi inaasahang paraan. Kumbaga, knight in shining armor siya pero hindi niya ipapahalata na pinoprotektahan ka niya. Nakakatawang isipin pero ganoon talaga siya-- indennial pero protective.
Pero sa kabila ng pagka-miss ko sa kanya, ganoon din naman kalala ang kaba ko!
Hindi ko alam kung bakit pero feel ko, mahihiya na ako sa kanya!
Sampung taon na rin naman kasi ang nakalipas. Hindi na kami nagkaroon ng kahit na anong koneksyon sa isa't isa. Natatakot rin kasi akong masaktan dahil baka hindi na siya kagaya ng dati? Na baka nag-iba na siya?
Kinakabahan din ako sa kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang magiging employee na niya ako. Tapos baka pahirapan niya ako kasi lagi ko siyang inaasar noong naging magkaibigan na kami? Baka mapa-resign talaga ako nang wala sa oras!
Iyon ang dahilan kung bakit letche, hindi ko na napakinggan pa iyong speech ni Mr. Sy. Ang outgoing CEO ng company.
Para na kasi talaga akong matatae sa kaba!
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Ang pumunta ba sa CR o umuwi na lang? Pero kung uuwi ako, mapapagalitan ako ni boss!
"And now . . . this is the moment that we've been waiting for." The host suddenly said. Kaya heto ako, parang nanigas mula sa kinauupaan ko.
God, save me . . .
I am never ready for this.
"Mr. Cua finally arrived! For the first time, we will hear the voice of the new king of the company. Let's have a round of applause for the new CEO of the company . . ." a moment of silence became the main thing of the hall, then again, there's the host's loud voice, "Mr. Lucas Cua!"
The host pointed his hand towards the gigantic door of the hall. Iyon ang dahilan kung bakit lahat kami ay nagsilingunan patungo doon.
Little by little, the door started to open.
The spotlight began to make it's way towards that direction.
And all of a sudden, a familiar young man started to came into my view. Looking stupid hot with his black suit and tie; with his broad chest and shoulders; and a well brushed up hair.
It's Lucas.
Shit.
It's him.
Jesus, bakit ang gwapo na niya?!
Nakanganga akong nakatitig sa kanya noong nilagpasan niya ang table namin. Ganoon pa rin ang sitwasyon ko hanggang sa umaakyat na siya sa stage.
Ang lahat ay nagpapalakpakan nang tumayo na siya sa stage. He is smiling with his perfect teeth. Looking like Adonis as he bit his lips in between of his laugh and smile.
May iba pa ngang tila kinikilig dahil sa kanya at kasama na doon si Sassie. Ngayon ay para siyang batang nagtatatalon mula sa kinauupuan niya dahil sa kilig. Hindi ko naman na siya pinansin dahil nakatuon ang sarili ko kay Lucas.
At sa bawat segundong pagtitig ko sa kanya, ganoon rin naman ang ginagawang pagbilis ng t***k ng puso ko. At alam ko . . . alam kong hindi iyon dahil sa kaba.
"Hello, good evening." He is wincing playfully. "I'm Lucas Cua and I'm the nephew of the great Mr. Crimson Sy. I will now take over his position and I hope you all trust me in this endeavor."
Napakatahimik ng buong hall.
We are all anticipating at this young beautiful man. We are paying attention to our new king.
"I know I still have a lot to prove but I can assure you that I will give my best just to surpass what my uncle has done to our company."
Kagaya pa rin ng dati, may pagka-antipatiko pa rin sa tono ng pananalita niya. Pero ngayo'y may pagkapropesyonal na ito at nahahaluan ng accent ng mga Amerikano.
Ang . . . sarap niyang pakinggan at panoorin.
"Now, as your official CEO. I want you all to just enjoy this night and get wasted!"
And we are not ready for it.
Matapos niyang magsalita ay bigla na lang tumugtog ang kantang sa club ko lang naririnig. Huli na noong nalaman kong may DJ pala doon sa gilid ng stage!
Ang kaninang business event ay napalitan na ngayon ng animo teenage party. Nagsimula nang magsayaw ang mga co-employees ko alinsunod sa beat ng tugtog. Nagsimula na ring magsisulputan ang mga waiter na may dala-dalang beer at wine.
What the hell?!
Napakisap na lang ako ng mga mata sa natutunghayan ko ngayon! Jusko, Lucas! Siraulo ka talaga!
"Cath, let's dance!" Hinigit ni Sassie ang kamay ko.
"I don't dance!" Sigaw ko sa kanya para marinig niya ako dahil sobrang lakas ng tumutugtog ngayon. Pero ang totoo niyan, gusto ko na talagang umuwi dahil baka makita ako ni Lucas!
"Dali na!" At walang pakialam si Sassie. She effin pulled me towards the sea of dancing people.
Just shoot for the stars, If it feels right.
And aim for my heart, If you feel like.
And take me away and make it OK. I swear I'll behave.
You wanted control so we waited.
I put on a show, now I make it.
You say I'm a kid, my ego is big.
I don't give a s**t.
And it goes like this.
Napipilitan akong sumayaw habang hindi inaalis ang tingin kay Lucas. Ngayon ay masay siyang nakikipag usap kay boss. Nasa gilid namin sila at natatakpan ako ng mga tao kaya't alam kong hindi niya ako makikita.
Medyo na-relax ako dahil doon.
Baka hindi niya rin naman ako makilala kung sakaling makita niya ako. Marami nang nagbago sa mukha ko. So . . . wala naman sigurong masama kung i-enjoy ko na lang 'tong gabing 'to?