One Day Before the Wedding Nandito ako ngayon sa balkonahe ni Stephanie kung saan nakakarelax ang view. Dito kasi sa Tagaytay gaganapin ang kasal ko bukas. Dito naman kasi talaga sa lugar na ito nagsimula ang lahat. Kaya gusto ko, ma-witness rin ng lugar na ito ang simula ng happy ending ko. Ngayon, tanaw na tanaw ko ang magandang view ng Taal Volcano habang ang malamig na simoy ng hangin ay patuloy na dumadampi sa balat ko. Nagwe-wave din ang buhok ko na para bang pinaglalaruan ng maalat na hangin galing sa Taal Lake. Humigop ako sa mainit na tsokolate na nakapatong doon sa side table, katabi ng libro ni Agatha na paulit-ulit kong binabasa sa tuwing namimiss ko siya. Matapos ay hinaplos ko itong alaga kong Munchkin Cat na iniregalo sa akin ng magiging asawa ko noong anniversary namin.

