Chapter 16

1151 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Nawala ang irita sa mukha ni Janice, ang receptionist ng makita ang kayang boss. Matagal nakasi siyang may tinatagong pagkagusto dito, pinapangarap niya na mapansin siya nito kaya lagi siyang nagpapaganda. "Sir, itong babaeng ito nanggugulo kanina ko pa pinapaalis," malambing na sabi niya saka itinuro si Avyanna. Tumingin naman ito sa gawi nito, nakita niyang nagulat ito ng makita ang babae. "Princess, what are you doing here?" Nagulat siya ng biglang naging malambing ang boses ng boss niya. "Sir, kilala niyo siya?" tanong niya. "Yes," malamig na sabi nito saka muling humarap kay Avyanna. "Gusto kitang i-surprise," sagot ni Avyanna. "You don't have a class?" tanong ni Zoltan. Umiling naman si Avyanna. "Excuse ako kasi sinali ako sa contest ng Prof ko at kakatapos ko lang mag practice, madaming natirang pagkain kaya naisip ko na dalhan kita ng pagkain, nagpromise rin naman kasi akong ipagluluto kita diba?" Timingin naman si Zoltan sa hawak ni Avyanna saka muling tumingin sa mukha nito. "Okay, let's go in my office," sabi niya saka hinawakan ang isang kamay nito at sabay silang naglakad. Hindi pa rin mawala ang gulat sa mukha ni Janice ang nasaksihan, pati na rin ang ibang empleyado na nakasaksi rin. Ngayon lang nila na kitang naging malambing si Zoltan laging poker face at seryoso na animong isang patay dahil walang pinapakitang kahit na anong emosyon pero ngayon nakita nila na nagpakita ito ng emosyon sa isang babae na madalas hindi naman niya ginagawa sa ibang babaeng nakakasama nito. AVYANNA'S POINT OF VIEW Para akong naghihintay ng kumento ng judge habang pinapanuod ko si Zoltan na tinitikman ang luto ko, kinakabahan ako baka hindi niya magustuhan ang niluto ko. "Wow, delicious." Nakahinga naman ako sa sinabi niya. "Mabuti naman nagustuhan mo," sabi ko. "Tama nga ang Mama mo, mas masarap ka ngang magluto," sabi niya. "Thank you," sabi ko. "By the way, what that's contest your talking about?" tanong niya matapos ulit sumubo. "Cooking contest," sagot ko. Napakunot naman siya ng noo. "Sapagkakatanda ko mga senior ang sinasali nila sa contest." "Oo nga pero sabi ng Prof ko kaya ko na raw makipagsabayan sa mga seniors kaya sinali niya ako sa contest," sabi ko. Tumango naman siya. "Well, I understant your Prof, napakasarap mo talagang magluto." "Tingin mo kaya kong manalo?" tanong ko sa kanya. "Of course, I know you would win," sagot niya. "Salamat. Manood ka ng contest ha?" sabi ko. "Oo naman, hindi ko naman papalampasin iyon," sabi niya. "Yey! Mas gagalingan ko dahil nandoon ka," nakangiting sabi ko. Nginitian naman niya ako saka pinat ang ulo ko. Naubos na ni Zoltan ang pagkain niya kaya nilagay ko na sa paper bag na dala ko ang lunch box na walang laman. Ang dami 'nun pero naubos lang niya ng mag isa, busog na kasi ako kaya hindi ko siya nasabayang kumain. "Your excuse right?" tanong niya, nakaupo na siya ngayon sa swivel chair niya. "Yes," sagot ko. "Dito ka na lang muna para mas makasama pa kita ng matagal," sabi niya. "Pero kailangan kong pumunta ng library para mag self study kahit excuse ako baka kasi bumaba ang grades ko, ayokong matanggal ang scholarship ko," sagot ko. "Please? Ipapadala ko na lang book na kailangan mo," pa-cute na sabi niya. Alam talaga niya ang kahinaan ko, alam niyang papayag ako kapag nag pa-cute siya sa akin. Hindi ko kayang tanggihan ang napaka cute na mukha niya. Bigla ko namang naalala si Mason sa kanya, ganitong ganito rin ito kapag may gusto siyang makuha idadaan niya ako sa pa cute niya. "Oo na, mag stay na ako," sabi ko, mas lumawak naman ang ngiti niya. Nilista ko naman ang mga librong kailangan ko saka binigay sa kanya pagkatapos 'nun inutos niya sa secretary niya na kunin ang ang mga librong kailangan ko. "Ayaw ba sa akin ng secretary mo?" tanong ko pagkaalis ng secretary niya. Huminto naman siya sa ginagawa niya at tinignan ako. "Why did you ask?" "Ang sama kasi ng tingin niya sa akin para bang may ginawa akong masama sa kanya, parang kagaya siya ni Ateng receptionist kanina maayos naman akong nakikipag usap pero ang sungit sungit niya," sabi ko. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba na nakita kong biglang nag dilim ang mukha ni Zoltan pero bigla rin naman siyang ngumiti. "Don't worry about them, last day na kasi nila kaya bad mood sila." Napatango naman ako. "Kaya naman pala akala ko ayaw nila sa akin," sabi ko. Habang naghihintay ako nag ikot ikot muna ako sa office ni Zoltan para mag libang. Ang minimalist ng office niya kaya ang liwalas tignan, nude color lang nag makikita sa office niya. Nagpunta ako sa napakalaking bintana niya at namaha ako sa ganda ng tanawin, kitang kita di ang magandang dagat hindi ito natatakpan ng malalaking building kaya kitang kita ito. "Ang ganda naman ng pwesto ng company mo, kitang kita ang dagat," sabi ko kay Zoltan. "Pinili ko talaga ito para kapag stress ako titingin lang ako sa tanawin," sabi niya. Tama naman siya, nakakawalang stress nga naman ang ganito kagandang tanawin kahit na nasa city kami. "Pwede bang dito na lang ako mag pwesto habang nag aaral ako? Kahit sa sahig na lang ako," sabi ko. Masarap kasing mag aral sa ganito kagandang tanawin mas gaganahan akong mag aral. "Of course," nakangiting sabi niya. "Iwan muna kita may tatawagan lang ako." "Sure," sabi ko saka muling humarap sa magandang tanawin. Ilang minuto lang ay bumalik muli si Zoltan saka umupo muli sa upuan niya saka tinuloy ang ginagawa niya. Mayamaya naman biglang may kumatok ng pinto akala ko ang secretary na pero dalawang lalaking hindi ko kilala may dala silang malalaking box. "Sir, heto na po ang binili niyo kanina," sabi ng isang lalaki. "Okay," sagot ni Zoltan. Lumapit naman ako kay Zoltan. "Anong inorder mo?" "Table and chair," sagot niya. "Para saan?" tanong ko. "For you," sagot niya. "Ha, sa akin, ano namang gagawin ko diyan?" takang tanong ko. "So, you can't seat in the floor, you have your own table and chair here," sagot niya na kinagulat ko. "Bakit kailangan mo pang bilhin 'yan? Hindi ko naman 'yan laging magagamit," sabi ko. "Magagamit mo iyan every time na pupunta ka dito," sagot niya. Tumango naman ako saka pinanuod na nag aasembol ang dalawang lalaki, ang bilis nilang gumawa halatang expert na sila sa paggawa ng mga ganito. Matapos nilang asembolin pinalagay ni Zoltan ang mga ito sa tabi ng bintana dahil may bookshelf na nakaharang doon pinagtulungan ng dalawa na alisin iyon at ilagay sa ibang lugar tapos ay nilagay nila ang lamesa at swivel chair doon sa dating pwesto ng booksheft. Nang matapos sila nagpaalam na silang lumabas, agad naman akong nagpunta sa pwesto ko saka umupo sa swivel chair. "It's comfortable?" tanong ni Zoltan. "Oo, ang lambot ng upuan," sagot ko. "Good," sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD