AVYANNA'S POINT OF VIEW "Aalis muna ako kung dumating man sina Mama sabihin mo pupuntahan ko si Zoltan," sabi ko kay Anna habang tinatali ko ang sintas ng sapatos ko. "Sige Ate," sabi niya. "Sige, alis na ako," sabi ko. "Mag iingat po kayo Ate," sabi niya tumango naman ako bago lumabas ng bahay. Mabilis lang akong nakarating sa company ni Zoltan. "What do you need ma'am?" magalang na sabi ng receptionist, bago lang yata siya dahil ngayon ko lang siya nakita. "I'm Avyanna Hendrix, girlfriend ako ng boss mo, gusto ko lang sana siyang i-surprise," sagot ko. Kita kong tumaas ang kilay niya. "I'm sorry ma'am pero hindi ko kayo pwedeng payagan kapag wala kayong appointment." Déjà vu. Biglang bumalik ang alaala ko nung unang punta ko rin dito noon. "I know that pero hindi ko pwedeng ipa

