Hindi naman ganun kalayo ang dating school ko kaya agad din kaming nakaratng. Pagdating namin bumungad agad sa amin ang mga estudyante na may kanya kanyang hawak na banner, rinig na rinig din namin ang mga tilian nila lalo na ng makita nila ang mga bus namin na pumasok sa school nila. Nung huminto ang sinasakyan naming bus, isa isa kaming bumaba. Nasa may dulo kami ni Kuya Pierre kaya kami ang huling bumaba. Nagulat naman ako ng nagsilapitan ang mga estudyante sa amin pagbaba namin kaya dali daling humarang ang mga guard para pigilan ang mga estudyante na siksikan kami. "Kyaa!! I love you Avyanna," sigaw ng isang estudyante, hindi ko alam kung sino ang sumigaw dahil sa dami ng mga estudyante. Kumaway lang kami ni Kuya Pierre sa mga ito habang naglalakad, naaawa nga ako sa mga guard dahi

