AVYANNA'S POINT O VIEW
"We meet again future Chefs," sabi ni Chef Harold. "Natulog ba kayo ng maayos?"
"Yes," sagot namin.
"Good, mahirap na baka may biglang mawalan ng malay dahil puyat kayo," birong sabi niya na kinatawa namin. "Okay, 'wag na tayong paligoy ligoy pa mag umpisa na tayo. Your next challenge is mystery box, kung ano ang mabunot niyo iyon ang magiging main ingredients ninyo, kailangan magluto kayo gamit ang nabunot ninyo ito dapat ang mag stand out sa mga ingredients. Understand?"
"Yes, Chef," sagot namin.
"Okay, mag umpisa na tayo," sabi niya.
Ang sabi niya kung paano iyon pagbanggit niya sa top 10 iyon ang magkakasunod sunod at dahil ako ang nauna ako ang unang nabunot.
"Anong nabunot mo?" tanong ni Chef Harold sa akin.
"Mushroom," sagot ko matapos kong makita ang nabunot ko.
Binigay naman sa akin ni Chef Harold ang mushroom sa akin, hindi naman lahat kailangan iluto depende pa rin sa akin kung ilan ang gagamitin ko pagkatapos pinabalik na ako sa station ko. Sunod sunod ng nagbunot ang mga kasama ko.
"Okay, gaya ng kahapon may 30 minutes kayo para pumili ng ingredient at 1 hour para sa pagluluto," sabi ni Chef Harold matapos makabunot lahat. "Timer start now."
Sabay sabay kaming nagpunta sa mga ingredients, mabilis kong kinuha ang mga ingredient na kailangan ko para sa lulutuin ko at ng matapos kong mamili bumalik ako sa station ko at kumuha naman ng mga gamit. Ang naisip kong lutuin ngayon ay Roast Miso mushroom with gai lan or chinese broccoli.
Ang unang ginawa ko prini-heat ko muna ang oven ng 200 Celsius after gumawa ako ng miso butter pinagsama ko ang butter, miso paste at garlic tinabi ko muna ito pagkatapos inispread ko ang miso butter sa mga mushroom tapos nilagay baking tray pagkatapos nilagay ko sa over para i-roast ng 20 minutes o hanggang maging dark brown ang mushroom.
Kinuha ko ang sauce pan at nilagay sa stove, nilagyan ko io ng tubig saka pinakuluan, ng kumulo nilagay ko sa medium-high ang apoy tapos nilagay ko ang gai lan at pinakuluan ng isang minuto. Matapos 'nun drinain ko na ang tubig at piniga pa ang gai lan para mas maalis ang excess na tubig.
Kumuha ako ng plato saka nilagay ang binake kong mushroom at ang gai lan, maayos ang pagkakalagay ko para maganda ang plating may points din kasi ang magandang plating.
"1 minute na lang," biglang sabi ni Chef Harold kaya nagmadali na ako.
Pinagsama ko ang ginger, kecap manis o indonesian sweet soysauce pagkatapos nilagay ko sa ibabaw ng mga mushroom at gai lan at saktong natapos ang oras ng matapos ako, tinaas ulit namin ang kamay namin.
"Avyanna," sabi ni Chef Harold.
Kinuha ko ang niluto ko pagkatapos dinala ko kina Chef.
"Anong niluto mo?" tanong ni Chef Mark.
Roast Miso Mushroom with gai lan," sagot ko.
Tumango naman siya saka tinikma ang niluto ko ganun din ang dalawang chefs. "Thank you, Avyanna," sabi ni Chef Harold, tumango naman ako bago bumalik sa station ko.
"CONGRATS, nakapasok ka na naman sa top," sabi ni Senior Clake sa akin.
"Ikaw din Senior Clake," sabi ko.
"Ngayon nakikita ko na kung bakit pinasali ka dito sa contest dahil kaya mo talagang makipagsabayan sa amin, ang galing mo talaga," sabi niya.
"Salamat," sabi ko.
"Sana tayo ang malaban sa finals," sabi niya.
"Sana nga gusto ko ring makapasok sa finals para hindi masayang ang pagpasok nila sa akin dito," sabi ko.
"Basta pagbutin mo lang ha? Ako rin pagbubutihan ko para tayo ang maglaban sa finals," sabi niya.
"Oo, gagalingan ko," nakangiting sabi ko. "Sige alis na ako, naghihintay na sa akin ang mga magulat at kaibigan ko."
"Okay," sabi niya.
Naglakad na ako palabas ng room, medyo nagulat ako ng may dumamba ng yakap sa akin, si Mikaella. "Ang galing mo talaga, nakapasok ka ulit."
Napangiti naman ako. "Salamat."
Kumalas naman siya sa yakap. "Oo nga pala sino iyong kausap mong lalaki kanina?"
"Si Senior Clake," sagot ko.
"Grabe ang gwapo niya, ipakilala mo ako sa kanya ha?" sabi niya, natawa naman ako ng mahina.
"Oo," sagot ko.
"Siya rin 'yung nagtanggol sa 'yo mula kay Senior Alexa diba?" tanong ni Gianna.
"Oo," sagot ko. "Siya rin ang unang nag approach sa akin, hindi katulad ng iba na parang hindi nila gustong nandoon ako."
"Ang bitter naman nila, wala naman sinabi na mga senior lang ang pwedeng sumali sa contese ah," inis na sabi ni Mikaella.
"'Wag na lang natin silang isipin kahit ano namang gawin nila hindi na mababago na may first year na nakasali sa contest," sabi ko.
"Congrats Princess," Nilingon ko naman si Zoltan.
"Nanuod ka?" tanong ko.
"Oo naman diba sabi ko papanuorin kita hanggang finals," sabi niya.
"Salamat," sabi ko.
Gaya kahapon kumain na naman kami sa labas at libre ulit ni Zoltan pero sinabi ko sa kanya na last na niyang gagawin ito kung hindi hindi ko na siya papansinin pa, natakot naman siya kaya nangako siya na hindi na niya uulitin pa.