AVYANNA'S POINT OF VIEW "That's it... yes, that's good... very good Avyanna, you're natural," masayang sabi ng photographer ko habang kunukuhanan ako. "First time mo ba talaga ang photoshoot?" "Yes, sir," sagot ko. Photoshoot ko ngayon para sa magiging cover ng album ko, malapit na kasing ipalabas iyon pero ngayon pa lang kami naka pag shoot dahil medyo naging busy ako sa school. Kinailangan ko rin kasing habulin ang ibang subject ko, sobra akong nag focus sa pag pe-prepare ng album ko kaya medyo napapabayaan ko na ang pag aaral ko pati na rin ang unang dahilan ko kung bakit ako nagsikap na mag aral kaya nagpaalam muna ako sa mga fans ko na hindi muna ako makakapag live dahil kailangan ko munang mag focus sa pag aaral ko. Hindi ko na rin kasi kayang iwan ang pagiging singer ko dahil ayo

