AVYANNA'S POINT OF VIEW Hindi ko maiwasang mapahanga sa gown na suot ko ng makaharap ako sa salamin. Sobrang ganda naman kasi ng gown na pinili nila sa akin, mermaid gown ito na kulay nude, kitang kita sa gown na ito ng shape ng katawan ko. Mabuti na lang wala akong baby fats sa tiyan kundi nakakahiyang isuot ito. Kasama na sa daily routine ko ang pag gi-gym kada umaga, kailangan kasing panatilihin ang shape ng katawan ko at para maging healthy ako lalo na ay madalas lagi akong napupuyat, sinasabayan ko rin ito ng pagkain ng pagkain na masusustansya. "Ang ganda ganda mo talaga, sabi ko na babagay sa 'yo nag gown na binili ko," sabi ni Tita Penelope. "Salamat Tita," sabi ko. "Nasa labas si Justin, siya ang magiging escort mo ngayon," sabi niya na kinahinto ko. "I know hindi maganda ang

