AVYANNA'S POINT OF VIEW "Nasaan na ba kasi ang letcheng pinsan ko na iyon," inis na sabi ni Beatrice habang tinatawagan niya ang pinsan niya. "Sabi niya 3pm nandito na siya, 3:30 na wala pa rin siya." "Relax, baka na delay lang ang flight niya," sabi ko. "Hay, naku, kokotongan ko talaga iyon kapag nakita ko siya," sabi niya. Hindi ko naman maiwasan na mapangiti, halatang close na close sila ng pinsan niya, ako kasi hindi ko man lang naka close ang mga pinsan ko dahil sa ugali ko dati, wala na nga kaming balita sa kanila. "Insan!" Napatingin kami sa sumigaw, nakita kong may lalaking kumakaway na papalapit sa amin, sobrang lawak ng ngiti niya. "Kumus—aray naman bakit ka nambabatok ha?" "Alam mo bang kanina pa kami naghihintay dito ha? Akala ko ba 3pm nandito ka na?" Inis na sabi ni Be

