Ngumuso si Migz sa akin. Kumunot naman ang noo ko dahil dito. Why? I mouthed pero ngumuso pa ulit siya. May ibang ibig ipahiwatig ang kanyang mga mata. Gusto ba niyang halikan ko siya? Nanlaki ang mga mata ko bago siya inirapan. Para bang ‘di pa nakuha ang pagtanggi ko, ngumuso na naman siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Napakapit ang isang kamay ko sa lamesa. Gamit ang likod ng palad ko, pinunasan ko agad ang bibig ko na may oil pa dahil sa kinaing tempura. Nakakahiya naman kay Migz kung... may balak talaga siyang halikan ako! Nag-init ang mukha ko habang palapit nang palapit sa akin ang mukha ni Migz. Napalunok naman ako at nagsimulang magkagulo ang mga paruparo sa tyan ko. Anong mga paruparo, Bobbie? You’re just having indigestion! Halos kumawala ang puso ko nang ilang dip

