Kabanata 3

3681 Words
“Rice, check!” “Kare-kare, check!” Maaga akong gumising para magluto. Ayoko kasing maabutan ni Mommy sa kusina kaya talagang sinakto kong tulog pa siya. The last thing I want today is a fight with her. Siguradong mahaba-habang diskursyon pag nalaman niyang may ipinagluluto akong lalaki. Tuloy, takot na takot ang mga katulong namin. Hindi nila alam ang gagawin dahil hindi ko sila pinatulong. Hinayaan ko lang silang manuod dahil gusto kong ako lang ang gumawa ng lahat. Noong nasa ibang bansa kasi ako, naging libangan ko naman talaga ang pagluluto kaya hindi man magaling, masasabi kong marunong ako. “Pwede niyong tikman? Allergic kasi ako sa nuts,” sabi ko sa mga kusinera namin pagkatapos kong masiguradong nagawa ko na lahat ayon sa recipe na nakita ko online. Nagkatinginan sila. Hindi malaman kung sino ang may lakas loob lumapit sa akin kahit nakangiti naman ako. Parang hangin lang kasi ako madalas sa bahay kaya rin siguro naninibago sila. “Hindi ako mangangagat, promise,” tumawa ako. Hindi ko naman sila masisi, sa ilang beses na encounter nila kina Mommy at Kuya, bato lang siguro ang hindi matatakot. Tingin pa lang nung dalawa, babaluktot ka na. Maybe as a Savage, it’s easy to look like an intimidating beast. Buti na lang lumapit na sa akin ang head cook namin, si Ms. Roselle, at kinuha ang pang-halo. “Ma’am, bakit kare-kare ang naisip mong iluto? Allergic ka pala sa nuts,” komento nito bago dumakot ng sabaw, inamoy muna niya ito bago tumikim. Pagkatapos ay kumuha rin siya ng kapirasong laman at pinanuod ko habang ngumunguya siya. “Sabi ng taong pinagluto ko, nuts can make you smarter. They could improve brain function kaya rin favorite niya ito. At dahil sa lahat ng ulam, kare-kare ang paborito niya, ‘yan ang napili kong iluto — anong lasa?” Nakita kong nanlaki ang mga mata niya bago ako tiningnan. “Masarap, ma’am ah! Malambot din ang laman. Paano mo natimpla ‘to kahit ‘di natitikman?” Tumawa ako nang mahina. “It’s made with love,” sabi ko na lang sabay kindat. Dito sila tumawa lahat. Ang totoo, nakailang subok din ako sa pagluluto nito noon. Kaya siguro naperpekto ko na ngayon. Kahit kasi alam kong bawal ako sa nuts, dahil gusto ko talagang malaman kung masarap, tinitikman ko noon ang niluluto ko. Katakot-takot na allergy attacks ang dinanas ko makuha ko lang ang tamang lasa. After those times, I made sure to memorize everything. Para kahit hindi ko tikman ang niluto ko, alam kong masarap ang kalalabasan. Nagsilapitan na ang iba naming kusinera at maging sila sumangayon kay Ms. Roselle kaya natuwa talaga ako. “Ang swerte naman ma’am ng pinagluto mo!” “Hindi ah. Ang tagal na niyang request ‘yan, ngayon ko nga lang matutupad e,” sagot ko dahil totoo namang this packed lunch is long overdue. Ilang araw din ang nagdaan mula noong huli naming pagkikita ni Migz. Naging busy kasi ako sa pagtulong sa paghahanap kay Kuya na hanggang ngayon hindi pa nagkaroon ng magandang outcome. Kaya naman ngayong Biyernes na at ilang araw na lang bago ang sandaling pinaka-kinakatakutan ko, desidido na ako sa gusto kong mangyari. And I won’t take no for an answer. Dahil alam kong panibagong laban na naman ang haharapin ko ngayong araw, hinanda ko talaga ang sarili ko. I wore my lucky knee-high brown boots and paired it with a floral yellow dress. Ni-plantsa ko na lang ang tuwid kong buhok na lagpas dibdib ko na pala ang haba. Tamang-tama’t mas nagmukha akong palaban. Pagkatapos kong mag-lagay ng kakaunting make-up, tiningnan ko ng buo ang itsura ko sa salamin tyaka tumango as a sign of approval. “Ngayong araw, mapapapayag mo na si Migz, Bobbie.” Huminga ako nang malamim, kinindatan ang sarili tyaka lumabas ng kwarto. Nagpatulong ako sa driver namin magbitbit ng mga pagkain hanggang sa kotse ko. Papunta ako ngayon sa Miranda & Co. Law Firm kung saan nagtatrabaho si Migz. Buti na lang wala pang isang oras ang layo nito sa amin. At nang simulan kong paandarin ang kotse ko, nagpatugtog talaga ako ng upbeat dahil nasa mood ako. Kasi naman ay nakakakita ako ng maliit na pag-asa ngayon. Sabi nga, the way through a man’s heart is through his stomach. Siguradong kapag natikman ni Migz ang kare-kare ko, isusuko niya ang Bataan! With the help of Ms. Mabelle and the power of Google, nagkaroon ako ng background sa law firm na ito. It’s one of the biggest and trusted law firms in our country. At nakakatuwang isa sa top lawyers nila si Migz. After law school ay mukhang dito na agad siya nag trabaho.  Dahil sa traffic, mukhang mas matatagalan ako papunta rito. Napatingin nga lang ako sandali sa phone ko. Wallpaper ko kasi ‘yung wacky selfie namin ni Kuya. Tuloy ay mabilis na nagbago ang mood ko. Ang saya-saya ko kanina pero nalungkot agad ako. Kinuha ko ‘yung phone ko para sana palitan ang wallpaper ko at saktong nag-ring ito kaya natigilan ako. It’s a call from an unknown number. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla rito. “Hello?” tanong ko pagkasagot ng tawag. Inulit ko pa ito kaya lang wala itong pagsagot sa akin. Hindi ko alam pero tahimik lang sa kabilang linya. I’m not sure if the person in the other line is on mute. Baka prank call ito or what pero... baka hindi rin.. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko. “Kuya?” Nahirapan akong lumunok. Iniisip ko pa lang na si kuya ito ay gusto ko nang umiyak. “Kuya, ikaw ba ‘yan?” Kaya lang naputol ang tawag bago pa niya masagot ang tanong ko. Gusto ko pa naman sana siya kamustahin. Gusto kong malaman kung ayos lang ba siya. Gusto kong marinig ang mga paliwanag niya. Mas bumigat lang tuloy ang pakiramdam ko. Kaya lang umaandar na ang mga sasakyan sa tabi ko at panay na ang preno ng mga nasa likod ko kaya pinaandar ko na rin ang kotse ko. I had no choice but to move forward with a heavy heart. *** Hindi ko alam kung ganuon ba talaga kaagaw pansin ang suot ko dahil lahat ng taong dumadaan sa lobby, napapatingin sa akin. Nginingitian ko naman sila dahil baka isipin nila ang taray ko. Kumpara sa Savage Enterprises, mas seryoso ang awra ng mga tao rito. Mangilan-ngilan lang ‘yung nakikita kong ngumingiti. Ako nga lang yata ang nakasuot ng makulay na damit dahil kung hindi itim, puti lang ang outfit nila na para bang may uniform silang required suotin. Alas-dyes ng umaga ako nakarating dito sa law firm ni Migz pero malapit nang mag-alas dose hindi ko pa siya napupuntahan. Paano ba naman kasi, kanina ko pa siya sinusubukang tawagan sa number na nakalagay sa calling card niya pero hindi siya sumasagot. Hinanap ko rin siya sa receiving area nila pero mahigpit talaga sila, kailangan ng appointment para makapunta sa opisina nito. So here I am, still stuck at the lobby. Panay lang ang browse ko sa social media, nangingiti sa masasayang pictures ng mga kaibigan ko, nang makarinig ako ng malakas na pag-iyak ‘di kalayuan sa pwesto ko. Nakita kong nainis ‘yung aleng katabi ko kaya tumayo agad. Mas lumakas pa ang iyak nung baby dahil ‘yung mommy niya pinapagalitan na siya para tumahimik. My God, parang nasa one year old pa lang ‘yung baby, malamang iiyak lalo ito kapag sinigawan at pinandilatan. Babalik ko na sana ang tingin ko sa phone ko nang lingunin ako nung baby. Tuloy ay nag-make face ako rito. Nagulat naman ako dahil paglabas ko ng dila, tumawa agad ito. Nag-duling-dulingan pa ako kaya mas lalo itong natawa. Tumigil na siya sa pag-iyak. Habang abala ako sa pakikipaglaro rito, narinig ko tinawag na ‘yung mommy niya. Nalungkot tuloy ako dahil mawawalan na agad ako ng libangan habang hinihintay si Migz. Tumayo na ‘yung mommy niya at dapat titingin na ulit ako sa phone ko nang lingunin ako nito. “Busy ka ba today miss? Pwedeng favor? Papabantay ko lang sana sa ‘yo si Kenzo habang nakikipagusap ako sa attorney ko-” “Ma’am, naghihintay na raw po si Atty. Zaporteza sa 3rd floor.” Napatango agad ako nang marinig ko kung sino ang ka-meeting nito. “Sure! No problem.” “Naku Miss, salamat talaga. Wala kasi akong mapagiwanan sa bahay kaya sinama ko na siya.” Nagdiwang ako sa loob-loob ko dahil bukod sa makakasama ko na si Kenzo nang mas matagal, makikita ko na rin si Migz. Dahil mukhang kasama nila ako, hindi na ako hinarang. Nakakaloka nga lang talaga, ngayon ko napatunayang busy talaga si Migz kaya hindi niya ma-entertain ang request ko. And here I am, the unemployed. Sa 3rd floor lang naman ang punta namin, kaya mabilis kaming nakababa ng elevator. Nagprisenta akong kargahin si Kenzo noong lapitan siya ng lalaking nakasuot ng suit at necktie na color-uncoordinated. “This way, Ma’am,” sabi pa nito at sumunod ako para makita kung saan ang punta nila. My heart skipped a beat when I saw the office. Atty. Zaporteza ang nakalagay sa harap ng saradong pinto. Siguradong nandito siya sa loob nito ngayon! Kaya lang bago ko pa man makita ang loob nito, humarang na ulit sa akin ‘yung lalaki kanina. “Hi Ma’am, how may I help you? May appointment po sila?” sa pananalita at asta nito, parang sekretarya siya rito.  “Ahh kasama ako nung babaeng pumasok kanina. Baby niya ‘tong bitbit ko,” sabi ko habang lumilinga-linga. Bakit kasi nakasarado ang drapes ng opisina nito?! “Okay, Ma’am. Pwede ka pong maupo muna dyan sa couch habang naghihintay.” Kaya tuloy wala akong choice kundi maghintay na naman. Siguro’y ilang oras din ang lumipas nang maramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko. Pagtingin ko sa relo ko, alam kong oras na ng break time ng mga tao rito. Nakita kong naglalabasan na ang mga empleyado.  Siguro sa sobrang pagkainip kaya tumayo na ako at lumapit sa sekretarya kanina. “Wala bang lunch break ang mga attorney dito?” Nagulat siya sa akin at sasagot na sana nang bumukas ang pinto ng office ni Migz. Nakasilip na ako sa walas kaya lang sobrang bilis. Nakita kong nakayuko si Migz at mukhang subsob sa trabaho. “Thanks, Miss!” sabi ng mommy ni Kenzo bago siya binawi. Tuloy ay naiwan na lang ako kaharap ng sekretarya ni Migz. Dahil bakla ito, tinaasan agad niya ako ng kilay. “Ma’am, may appointment ka ba kay Atty. Zaporteza?” Sasagot pa lang ako ng may lalaki’t babaeng lumapit sa akin. Parang mga empleyado rin dito. “Ohhh! Pakilala mo naman ako Tommy sa chicks na bisita natin!” Imbes na tarayan ‘yung preskong lalaki ay ngumiti lang ako sa kanya. “Hi! Break niyo na?” “Oo, break na kami. Pwedeng tayo na? Boom!” Nakitawa ako kahit sobrang corny. “Si Atty. Zaporteza ba hindi magla-lunch?” ‘Yung babaeng kahawig ni Ms. Mabelle, Miss Minchin feels, ang nagsalita. “Madalas hindi kapag may hinahabol siyang paperworks,” may katarayang sagot nito. Parang kahit kaedad ko lang siya halos, ang tanda niya. “So Miss, may appointment ka?” paguulit ni Tommy. Ngumisi naman ako sa kanila. “Wala. Pero dala ko ‘yung lunch niya.” Nagkatinginan ‘yung tatlo. Parang sobrang nabigla sila. “May girlfriend ba si attorney?” pabulong na tanong nung preskong lalaki sa dalawa. Mukhang nagkamali sila ng pagkakakilala sa akin kaya pinag-krus ko agad ang nga braso ko. “Hindi! Hindi ako ‘yung girlfriend niya!” Nakita kong nakahinga ng maluwag ‘yung babae. Pero imbes na mainis ay mas nginitian ko pa siya. “Oo, imposibleng maging girlfriend ka niya kasi wala namang girlfriend si attorney,” sabi pa nito na bitter lang talaga. Paanong walang girlfriend e may Claudia nga siya? “Huh? Bakit naman wala siyang girlfriend? Bulag ba mga babae sa kumpanya niyo?” tumawa ako. “Kilala ng lahat si Atty. Zaporteza. At malinaw na wala siyang oras sa mga ganyang bagay sa dami ng kasong hinahawakan niya.“ Hindi ko alam pero imbes na mainis ay natuwa lang ako lalo. Tuloy ay nauwi kaming apat sa pakikipagkwentuhan dahil kinilala ko sila isa-isa. Ito na siguro ‘yung talent ko, madali akong makapalagayan ng loob. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko makuha-kuhang paamuhin si Migz. “Anong oras ang dating ng next client ko?” Napatingin kaming apat kay Atty. Zaporteza na kakalabas lang sa opisina niya. Awtomatikong napunta sa akin ang mga mata niya kaya kumaway ako. “Annyeong!” Medyo magulo ang buhok niya, maluwag din ang necktie. Hindi ko alam kung dito ba siya natulog kagabi pero kahit saan man siya galing, ang lakas talaga ng dating ng abogadong ‘to. Kahit wala akong ginawang krimen, tiyak na aamin agad akong guilty kapag siya ang nakaharap ko sa korte. Lalapitan ko na sana siya nang lagpasan niya ako at dumiretso siya sa pantry. Pero dahil talagang puno ako ng positive vibes ngayon ay nakasunod lang ako sa kanya. Tuloy ‘yung mga empleyadong nasa desks pa nila sinundan kami ng tingin. Lalo na ‘yung mga nasa pantry. Punong-puno ito ng mga taong naka-lunch break. “Hi, attorney!” tumango lang si Migz dun sa babaeng bumati sa kanya akala mo may bulate na ito sa tyan. Imbes na pansinin pa ito, lumapit ako kay Migz habang nagre-refill siya ng kape. “Dinalhan kita ng lunch!” pinakita ko ‘yung dala kong lunch box. Huminto siya at tumingin dito. At nang akala ko kukunin na niya, aba’t nilagpasan lang ako ng loko! Nagsimula siyang maglakad papunta sa loob ng opisina niya. At akala ko pipigilan pa ako ni Tommy, but he only mouthed “you go girl!” kaya naman malaya akong nakasunod kay Migz. Ako na ang nagsarado ng pinto kaya napalingon siya sa akin. Agad niyang binaba ‘yung mug niya sa lamesa. Tyaka niya ako nilapitan at hinawakan sa braso. “Uy! Dali na masarap ‘to promise. Makakalimot ka!” “Matagal na kong nakalimot.” Binuksan niya ang pinto at pilit akong pinalabas. Then he slammed the door shut. Nakita kong nakatingin ngayon lahat sa akin. Nagsimula na rin silang magbulungan. Dismayado si Tommy pero ‘yung mga babaeng nakakita sa nangyari kulang na lang magsitawa ng malakas. Tatalikod na sana ako at aalis na lang pero naisip kong sayang naman ang effort ko ngayong araw kung basta-basta na lang ako susuko. Kaya huminga ako nang malalim. Inipon lahat ng confidence ko at tyaka kumantok sa opisina ni Migz. “Happy lunch, hubby ko!” Nakita kong mas lumakas ang ingay ng mga tao sa paligid. “Hindi siya girlfriend kasi asawa siya?” tanong ni Tommy sa dalawang kaharap kaya napangiti ako. Nang hindi niya ako pinansin, inulit ko pa ‘yung sinabi ko at mas nilakasan. I know he hates attention the most. At sigurado akong hindi pa rin iyon nagbabago hanggang ngayon. “‘Wag ka nang magalit sa akin kasi pinagod kita kagabi. Bati na tayo, hubby-” Napasinghap ako sa biglang pagbukas ng pinto. Hinila ako ni Migz papasok sa opisina niya at sinarado ito ng malakas sa likod ko. Lumayo siya agad sa akin, hinilamos ang mga kamay niya sa kanyang mukha. Parang sobrang stressed out niya kaya medyo na-guilty tuloy ako sa pambubulabog ko sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya pero nakatalikod naman siya sa akin. Hindi ako sumagot hanggang sa lingunin nya ako. “I brought you lunch!” pinakita ko agad sa kanya ‘yung dala ko pero hindi niya ito pinansin. Pero wala man siyang sinasabi, pumunta na ako sa lamesita niya at hinanda ‘yung pagkaing pinaghirapan kong iluto. “Wow, amoy pa lang ang sarap na!” Kahit umupo siya sa swivel chair niya at tumitig sa gabundok na papeles, pilit ko siyang tinakam. Nakita ko pang nagsimula siyang humigop ng kape mula sa mug niya. “Maraming mani ‘to. Alam ko may mahilig dito sa mani e.” Nasamid siya kaya agad siyang lumayo sa lamesa niya. Hindi ko alam kung natapunan ba niya ito pero namula ang mukha niya. “Ano kaya ang lasa ng kare-kare ko. Siguradong masarap ‘to tyaka malinamnam.” Kung anu-ano pa ang sinabi ko pero bukod sa pag-igting ng kanyang panga ay wala na akong nakuhang reaksyon sa kanya. Kaya naman dahil desperada na ako, binitbit ko na ‘yung lalagyan ng kare-kare at lumapit sa kanya. Tumabi ako sa gabundok niyang papeles bago inamoy ang hawak ko. “Uhmm.. ang bango, ang sarap.” Akala ko hindi pa rin niya ako papansinin dahil hindi siya nag-angat ng tingin sa akin. Pero narinig ko siyang magsalita. “Kakain ako kapag kumain ka rin ng niluto mo.” Natigilan ako. Hindi ko inasahan ang sinabi nito. Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Migz at sa kare-kareng hawak ko. Alam niyang hindi ko pwedeng gawin ang gusto niya kaya sinusubukan niya ako ngayon. He was there when I first discovered my allergy. Paano’y exam week namin noon nang pakainin niya ako ng nuts para raw mas makabisado ko ‘yung mga lessons ko. He just wanted to help me. Pero imbes na magkaroon ng magandang epekto, I found myself waking up in the hospital and missing my tests.  Naparami ako ng kain ng nuts, nangati ako ng sobra kaya pulang-pula ang buong katawan ko. Hanggang sa nahirapan na rin akong huminga. I had the worst nut allergy. Alam niya ‘yon dahil iniyakan niya ang nangyari. At tanda-tanda ko kung paano niya sinisi ng sobra ang kanyang sarili noon. “Kapag kumain ako ng niluto ko papayag ka nang maging legal advisor ko?” paglilinaw ko dahil buhay ko ang nakataya sa gagawin ko. Tumango lang siya at sa akin, at sapat na ito. Huminga ako nang malalim at tumingin sa kare-kareng hawak ko. Kahit alam kong bawal, kinuha ko ‘yung kutsara at dumakot sa ulam. Tinitigan ko pa ito bago dahan-dahang nilapit sa labi ko. Nanginginig ang kamay ko sa kaba. Pumikit ako at binuka ang bibig ko. Kung ito lang pala ang kailangan, gagawin ko ‘to kahit ilang beses pa. Nabigla nga lang ako nang palisin ni Migz ang hawak kong kutsara kaya tumalsik ito at bumagsak sa sahig. Binaba ko sa lamesa ‘yung hawak kong lunch box dahil nawalan ako ng lakas sa pagtitig ni Migz ng malalim. “Talagang gagawin mo lahat para mapaikot ulit ako?” “Ano ka ba, Migz?! Trabaho na nga ang binibigay ko sa ‘yo aayaw ka pa talaga? Kahit part time ayos lang!” “Marami akong ginagawa-” “Ano bang pwede kong gawin para mapapayag ka? Eto ba?” Kinuha ko ‘yung kare-kare at umatras dala ito. “Anong gagawin mo? Bitawan mo ‘yan,” he warned me but I’m already losing here. Kung kare-kare na lang ang magpapanalo sa akin dito ay tutunggain ko talaga ito. “Kung eto lang walang problema!” Bago pa ako mapigilan ni Migz ay nakahigop na ako ng sabaw ng kare-kare. Naubo ako nang hablutun niya ito mula sa akin. Inilayo niya ito at hindi ko na muling nakita. “Ano ba naman, Bobbie?! You’re willing to risk your whole life just for a fuckin’ job?!” Itinulak niya ako sa pinto ng opisina niya. Napalakas ito kaya bumalagbag ang pinto. My throat started tightening. Pero imbes na ipakita sa kanya ang discomfort ko, nakipagtitigan pa ako. “My whole life is already at risk, what is there to lose?” Hindi niya kayang titigan ako nang matagal kaya mapayuko siya. Hawak-hawak pa rin niya ako sa magkabilang braso, pilit na pinirmi sa pinto kahit alam naman niyang hindi ako papalag. “Ano ba talagang kailangan mo sa akin?” Nang mag-angat siya ng tingin sa akin, ako naman itong mas nahirapan tingnan siya nang diretso. “Legal advisor. ‘Yun lang ang kailangan ko.” “I can recommend a lawyer from our firm-” “But you’re the one I can trust!” “I’m the one you can trust? Sigurado ka ba?” Nahihirapan akong huminga. Palagay ko namumula na rin ang balat ko ngayon. Kaunting nuts lang kasi talaga, matindi na ang epekto sa akin. Hinigit ko ang hininga ko nang bigla niyang isiksik ang mukha niya sa leeg ko. Napapikit ako dahil sa kakaibang sensasyong dala nito sa buong pagkatao ko. “Kaya ba ayaw mo akong lubayan kasi naubusan ka na ng lalaking gustong pumatol sa ‘yo?” He whispered, throwing daggers straight at my heart. Nasaktan ako. Sino ba namang hindi? Ganito na pala kababaw ang tingin niya sa akin. Ngayon ko lang nalaman. Pero bahala na. Uunahin ko pa ba ang nararamdaman ko kung totoo namang siya ang kailangan ko? Siya lang ang kaya kong pagkatiwalaan at wala ng iba? Inubo ako. Nahihirapan talaga akong huminga. “Just help me out. Ngayon lang. Pagbalik ni Kuya, hindi na kita kukulitin pa. Please...” Medyo hirap na akong magsalita. “Or I could just take your first offer. Marami ka na bang inalok nito at ako lang ang tangang papayag?” Tumikhim ako. Mahinang tumawa pero wala akong nasabi pabalik. Dahil parang nainis lalo si Migz sa hindi ko pagsagot, naramdaman ko na ang pagdampi ng labi niya sa leeg ko. Kakaiba. Mainit. Parang kinikiliti ako. Kinuyom ko ang dalawang palad ko. Pinikit nang mariin ang mga mata ko. I hate what I’m feeling. I hate it so much. Normal lang bang maramdaman ito? “Eto ba ang gusto mo?” I could already hear him moaning when he touched my hips, pulling me closer. Tinatagilid ko ang ulo ko para sana sa labi niya ako halikan pero talagang isinisiksik niya ang mukha niya sa leeg ko. At ayoko ng ginagawa niya. I could feel so much discomfort. “Sige, bibigyan kita ng anak kung ‘yun lang pala ang kailangan mo.” Nang maramdaman kong pinapasok na niya ang kanyang kamay sa ilalim ng dress ko, nabigla ako. Nanlamig ang buong katawan ko. Para akong binuhusan ng yelo. Itinulak ko siya papalayo. Napailing ako nang maraming beses. “Sorry, I can’t,” sabi ko habang naghahabol ng hininga. Nagsimula na akong magkamot kaya ito na ‘yung allergy attack na kinakatakutan ko. Wala pa naman akong dalang gamot! Nakita kong tinalikuran na naman ako ni Migz. Parang hindi niya maatim tingnan ako. Dumiretso siya sa kanyang lamesa at nagbukas ng drawer. Parang may kinuha siya rito. “Hindi na ako ‘yung Migz na kilala mo. Kaya tigilan mo na ako.” Natahimik ako. Pinigilan ko ang pagbagsak ng luha ko kahit namumuo na ito sa mga mata ko. Ayokong alalahanin lahat, pero ‘yung bigat sa loob ko ang proweba sa nakaraan naming hindi namin pareho mapagusapan. Bumuntong-hininga ako. Tumalikod na ako bago pa niya ‘ko makitang umiiyak. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng opisina niya nang may pahabol pa siya. “Sana binigay mo ‘tong packed lunch na ‘to 10 years ago.” Naramdaman ko ang pagtakas ng luha sa gilid ng isang mata ko kaya mabilis ko itong pinalis. Umubo ako nang umubo. “Sandali.” Sanay akong masaya lang lagi kaya ngumiti ako bago siya hinarap. May binato na naman siya kaya mabuti nasapo ko. Pagtingin ko kung ano ito, kapareho pala ng gamot ko sa allergy. “Buti meron ka nito.” “Ayoko lang maulit ‘yung dati.” Nanikip ang dibdib ko. May sasabihin pa sana ako nang marinig kong mag-ring ang phone niya. “Yes, Claudia? Pinuntahan ka na ba ng bagong katulong natin?” malambing ang tono ng pagsasalita nito. Malayo sa Migz na kausap ko ngayon-ngayon lang. At dito nagkaroon ng sagot ang palaisipan ko. Sino si Claudia? She’s Migz’ sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD