Sino ang naipakulong niyo noon? Richelle hired two retired actors to act as her fake parents. Wala akong ideya kung ano ang imbestigasyong isinagawa noon pero mukhang may kapit din sila sa loob kaya nakalusot. Pinasilip ko ulit ang kaso dahil na rin sa hiling ni Reign at dito ko nadiskubre na hindi niya mga magulang ang kasama niya sa kulungan. Paulit-ulit pa rin sa isip ko ang naging paguusap namin ni Migz tungkol sa kaso ni Richelle. Ngayon ko napatunayan na dapat nga talaga itong katakutan. Bukod sa sinubukan na niyang sirain si Kuya at ang pamilya namin, nagawa pa niyang magsinungaling sa batas. Wala ba talaga siyang kinakatakutan? Saan niya kinukuha ang lakas ng loob niya? Hindi ko alam kung paano siya hinarap ni Reign noon pero ngayon ay natatakot ako para kay Migz. Nakakatakot

