Bilang pasasalamat sa pagbabasa niyo hanggang dulo, ibinabahagi ko sa inyo ang espesyal na kabanatang ito. Maraming-maraming salamat ulit sa pagmamahal at suporta niyo sa Tamed to Be Yours. Magkita-kita tayo ulit sa susunod na nobela— Valderrama Brothers Series 1: All the Things About You *** ZAPORTEZA HOUSE “Nabili ba natin lahat ng nasa listahan ko?” pangatlong beses na tanong ni Bobbie sa akin. Hindi ko napigilan ang pagtawa. Nakarating na kami sa bahay pero ito pa rin pala ang iniisip niya. Galing sa sasakyan ay pumunta na kami sa loob ng bahay. Bitbit ko lahat ng pinamili namin habang iniisa-isa niya ang nakasulat sa hawak na papel. “Sana sakto pala ‘yung dami ng binili natin,” sabi pa niya. Paano’y pupunta kami ngayong tanghalian sa Bloomfields at nagsabi siyang magdadala kam

